Chapter 25

36 4 2
                                    

[Xyle's POV]

Pagpasok ko pa lang sa hospital at agad akong sinalubong nila Tita at Lola.

"A-apo where haved you been?" matamlay na tanong ni Lola.

"May inasikaso lang Lola, where's kuya Ivan?" pabalik na tanong ko.

"Gising na ang ate mo." walang reaksyong saad ni Tita.

Agad akong nabuhayan ng loob at nagtatakbo papasok sa Room nya.

Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Kuya Ivan na umiiyak at hawak ang kamay ni Ate. Halatang may pinaguusapan sila kaya naman lumabas muna ako.

Napasandal nalang ako sa pader at napabuntong hininga. Hindi ko mapigilang hindi maluha. Kaya naman tuluyang bumaba ang luha na pinipigilan ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtangis ng may maramdaman akong presensya. Kaya naman agad akong napamulat.

Tumambad sakin ang kamay na may hawak na panyo. Na akmang inilalahad sakin.

"Punasan mo." malambing nyang tugon.

Napangiti nalang ako. Hindi ko akalaing nandito siya sa oras ng pag-iisa ko.










[Ivan's POV]

"Sir" tyaka may tumapik sa balikat ko. "Sir kayo po ba ang bantay ni Patient 11, gising na po sya." saad nung nurse. Kaya agad akong tumayo at nagtatatakbo.

"Sir, wait kailangan nyo po magsuot ng PPE!" sigaw nung nurse at hinahabol ako.

Nang makarating ako sa Room ni Roxanne ay pinagsuot nila ako ng ER Suit at Mask.

"Maiwan ko po muna Sir" saad nung nurse tyaka umalis.

Nadatnan ko si Roxanne na nakapikit.

Kaya naman tumabi ako sa side ng kama nya. Hinawakan ko ang kamay nya habang nakatitig ako sa kaniya.

Hindi ko akalaing dadating sa point na magkakaganto.

"Eliz, kung naririnig mo ako, gusto kong humingi ng sorry, for being coward. Natakot kasi ako, nag over think. Na pano kung pinaglaban kita, tapos ako nalang pala yung lumalaban. Mahirap sumabak sa digma na walang kasangga Eliz. Sabi ko nga, You are the warrior and I am your shield. Pano makakalaban ang Shield kung wala akong kasama hahahaha" pineke ko ang tawa ko. Sa pagkakataong iyon 'di ko mapigilang maluha.

"Sana pala hindi nalang ako sumama sa inuman na yon, dun nagsimula lahat eh Hahaha." dagdag ko pa.

"Pero Eliz, gusto kong malaman mo na Mahal na mahal kita. Kaya please, lumaban ka. Para sa kapatid ko, sa pamilya mo, para sa mga kaibigan mo, para sakin..." saad ko

"Eliz, tatandaan mo na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, at 'di ako magsasawang ulit ulitin yon sayo." dagdag ko. Hindi ko na mapigilang humagulgol napayuko nalang ako sa kamay ni Eliz. Ilang minuto ang tinagal non.

Nang maramdaman kong may malambot na kamay ang dumampi sa pisngi ko para punasan ang mga luha ko.

"M-maa hh hh l na maha llll din kihhh ta..." pilit nyang saad. Dahilan para mas lalo akong manlumo. Nahihirapan syang magsalit dahil sa mga aparato na nakasalpak sa kaniya.

"Gising ka pala, okay ka lang? May masakit ba sayo? Tatawag ba ako ng doct—" hindi na ako natapos sa pagsasalita ng

"Shhh" usal nya tyaka tinapat ang hintuturo nya sa labi ko para pigilan ako sa pagsasalita. Ngumiti sya tyaka nagsalita.

"P-pinapatawad n-na kita." saad nya. Saoat na dahilan para mabuo muli ang nadurog kong puso.

Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng biglang pumasok ang doctor.

Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon