[Ivan's POV]
Mabigat ang ulo ko pero pinilit ko pa ding bumangon. Ang sakit ng ulo ko. Wala akong maalala kundi yung nag inuman kami ng mga kaklase ko at sa palagay ko sa rin ang naghatid sakin dito.
Halos isang linggo rin kaming hindi nagkita at nagkausap ng pinakamamahal kong girlfriend.
Kaya naman tatawagan ko sana siya ng biglang may mag doorbell mula sa labas. Kaya naman agad ko iyong pinagbuksan at tumambad saking harapan si Shaun.
"Oh insan napa—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kwelyuhan niya ako. Galit na galit siya sa hindi ko malamang dahilan.
"Nagpaubaya ako kasi ikaw ang mahal niya! Tapos gagaguhin ko lang siya!? Putangina mo pala eh!" sigaw sakin ni Shaun.
Bwisit!
"Ano bang pinagsasasabi mo!" sigaw ko tyaka siya tinulak para makalas ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko.
"Pwede ba! Tangina Ivan Caught on the Act ka na nga! May pruweba pa! Wag ka ngang magmaang maangan pa Ivan!" sigaw pa niya habang dinuduro ako.
Pinagsasabi nito.
"Wala akong alam sa—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng
*Blaaaaaaag*
Bumagsak ako sa sahig. Hawak ko ngayon ang kaliwang bahagi ng labi ko. May dugo ito kaya naman napatingin ako ng masama kay Shaun.
"Ano bang sinasabi mo ha! Wala nga akong alam sa pinagsasasabi mo!"sigaw ko.
Umasta pa siyang parang namamangha bago magsalita "Talaga!? Talaga lang Ivan? Nakipaghalikan ka sa EX mo at nakavideo pa! Ang malala. Nakapost pa ha! Napaka gago mo pre. Akala ko iba ka kay Gio! Pero ginawa mo rin ang ginawa niya kay Roxanne." sabi pa niya.
Anong video!? Anong halikan? Wala akong maalala.
Agad kong kinuha ang phone ko.
"Isearch mo yung Kristen Constantino!" sigaw pa niya.
Sigaw ng sigaw eh.
Agad ko namang sinearch iyon at tama.
May nagtag saakin.
Kristen Constantino tagged you on a post.
Pagclick ko non. Agad bumungad sakin ang video.
Tama nga si Shaun. Half unbuttoned yung polo ko at tulog ako. Bwisit pano nangyari yon! Wala akong maalala.
Kasama ko si Janice sa video na naka upload pa. Bwisit talaga! Paniguradong masasaktan ang prinsesa ko pag nakita nya yan .
"T-teka, panong nangyare yun!?" bulalas ko.
Ngumisi lamang si Shaun na parang sinasabi nyang wag akong mag maangmaangan.
"Dude alam mo—" natigilan ako sa pagsasalita ng kwelyuhan niya akong muli.
"Wag mo akong ma- dude dude jan. Ipinagkatiwala ko siya sayo! At ngayon, ano?" sigaw nya sakin
Bigla akong nakaramdam ng inis. Hindi manlang niya gustuhin marinig yung side ko.
Tinulak ko siya para makakalas sa pagkakakwelyo nya saakin
"Tumahimik ka Shaun dahil wala kang alam!" sigaw ko.
Napanganga naman sya at 'di makapaniwala sa sinabi.
"Seryoso ka? Ivan may pruweba na oh!" sigaw pa niya habang dinuduro ako.
"Hindi mo alam ang totoong nangyare! Dahil iyang video lang ang napanood mo at hindi ang buong pangyayari!" sigaw ko dahilan para matigilan siya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]
AcciónBigla nalang nangyare Hindi ko rin sinasadya. Hindi ko rin masabing nagkataon lang. Kasi parang aksidente lang ang pagkahulog ko sa kanya,hindi ko rin inaasahan. Akala ko nung una kung sino ang una mong minahal siya na, kasi nga di'ba? Sabi nila "Fi...