[Roxanne's POV]
MONTHS HAVE PASSED
"Happy Graduation to ussss!!" hiyaw ni Jade.
"Happy Graduation!" sabay sabay naman naming tugon tyaka kami naghalakhakan.
"Akalain mo iyon, gagraduate si Roxanne na Valedictorian HAHA!" si Mayumi.
"Oo nga e, simula nung nagsplit sila no 'eeeeng' ay mas naging basag ulo yan" suhestyon pa ni Jonna.
Tama sila, hindi ko kinakaya ang mga araw na lumilipas na hindi ako naliliwanagan sa lahat.
May tanong sa isipan ko, napakarami.
Kung 'bakit' nya ako nagawang lokohin
'Hindi' pa ba ako sapat? o kahit kailan hindi naman talaga ako naging sapat para sa kaniya?Sinabi ko sa mga kaibigan ko na gusto ko na syang kalimutan. Kaya naman tuwing mababanggit nila si 'enggg' alam nyo na ang ibig sabihin non.
Ilang linggo na lamang at aalis na kami nila Xyle at paparoon sa US. Maayos na ang lahat saamin nila Lola kaya naman kami ni Xyle ang magtutulungan upang mahandle ang kompanya.
"Uyy Xanne! Kanina ka pa tulala jan? Hindi ka ba masaya?" tanong ni Trish.
Nakangiti ko silang hinarap.
"Maraming salamat sainyo ha? Lagi kayong nandyan para masandalan ko" sinserong saad ko.
"Yakk ang drama mo naman!" si Trisha
Nagtawanan silang lahat kaya naman nakitawa nalang ako."Wala yun Xanne, magkakaibigan tayo e" saad ni Sam.
"Tama tama! A friends that being marupok together, stay forever!" si Mayumi na tawng tawa sa korni nyang linya.
Nagtinginan kaming lahat tyaka umiling kay Mayumi.
"Che, ikaw lang marupok no, mang dadamay ka pa talaga." aniya ni Kylee
Nagtawanan ulit kaming lahat tyaka nagsikainan.
GABI na ng mapagpasyahan namin umuwi mula sa restaurant na kinainan namin kanina.
"Roxanne anak, inihanda ko na ang mga gamit mong dadalhin pa US." malungkot na saad ni Manang.
Huminga ako ng malalim tyaka lumapit sa kaniya at pinaupo sya sa gilid ng kama.
"Babalik naman ako Manang, at pagbalik ko, successful na ako." saad ko.
Ngumiti naman si Manang tyaka tinapik ang braso ko "Ipangako mong magpapagaling ka." tyaka nya ako niyakap.
"Pangako Manang."
[Xyle's POV]
Ilang buwan rin ang nakalipas mula ng maganap yung issue.
Sobrang galit ako kay Ivan noon. Hindi ko lang kasi maimagine na, pinagkatiwala ko sakanya si Roxanne, sa pag aakalang hindi sya tulad ni Gio. Pero anong ginawa nya?
Binigo nya ako.Napagpasyahan namin nila Lola na manirahan sa US pagkatapos namin ni Ate grumaduate ng Junior Highschool. Doon na kami maninirahan. Para na rin magpagamot si Ate.
Hindi ko na rin nakita si Ivan magmula non.
Napakawalang paninindigan nya.Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng mag ring ang phone ko.
~Mayumi is Calling from Messenger~
^_^
Bigla nanaman nabuhayan ang loob ko.
Kaya naman agad ko iyong sinagot."X-xyle we need to talk." nauutal nyang saad.
"Why? Anong nangyare? Tell me." sagot ko.
Kinakabahan ako, baka kung ano ng nangyayare sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Fighter [COMPLETED✓]
AksiBigla nalang nangyare Hindi ko rin sinasadya. Hindi ko rin masabing nagkataon lang. Kasi parang aksidente lang ang pagkahulog ko sa kanya,hindi ko rin inaasahan. Akala ko nung una kung sino ang una mong minahal siya na, kasi nga di'ba? Sabi nila "Fi...