CHAPTER 6

607 16 2
                                    

CHAPTER 6

NAPABUNTONG HININGA naman ako at saka pumasok na sa bahay, naabotan ko naman sina Mama at Papa na palakad lakad at pabalik-balik na para bang kinakabahan sila.

Napakunot naman ako sa inasta nilang dalawa. Ano na naman ba ang nangyari?

"What are you two doing?"Takhang tanong ko sa kanilang dalawa na ikinatigil nito sa pabalik-balik na paglalakad at saka tumingin sa direksyon ko.

The next thing I know is they already hugging me na halos hindi na ako makakahinga dahil sa higpit ng yakap nila.

Napakunot naman ang noo ko sa inasta nilang dalawa. "What are you two doing?"Takhang tanong ko sa kanilang dalawa.

Bumitaw naman sila sa pagkayakap nila sa'kin at saka tiningnan ako.

"Anak, bakit alas otso trenta ng gabi ka na umuwi? Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ang tagal mong umuwi? May nagtanggka bang saktan ka? Sabihin mo para ipapa-police ko."Sunod-sunod na sabi ni Mama na mahina kung ikinatawa.

I hugged them both. "Thanks for worrying but I'm fine. Walang nanakit sa'kin, isa pa, alas otso talaga kami uuwi."

Nalukot naman ang mukha ni Papa."So, anong sinakyan mo pauwi? Sana tinawagan mo nalang ako para sunduin ka kaagad."

I smiled. "Okay lang po talaga ako at isa pa, hindi naman ganun kalayo ang Restaurant sa bahay na'tin e, tsaka may nagpresentang ihatid ako dito kaso nga lang hindi kami nag-sasakyan, we just used our both foot to walk."

Nalukot naman ang mukha ni Mama,"Sino ba 'yang nagpresentang ihatid ka? Lalaki ba 'yan?"

Mahina naman akong natawa sa sinabi nila. "Oo, it's a man pero don't worry, wala naman siyang ginawang masama sa'kin."

Umingos naman si Papa, "Sa ngayon, wala pa. Ang mga lalaki magpa-anghel anghelan ang mga 'yan para kunin ang tiwala mo, pag nakuha na ang tiwala mo saka na sila maging isang demonyo."

Tumango naman si Mama, "I agreed to what your Papa says, bilang nalang ang mga lalaking matino ngayon kaya lumayo-layo ka sa lalaking 'yon."

Mahina naman akong natawa dahil sa mga pinagsasabi nila. They are really overprotective about me. Pero okay lang naman sa'kin na maging ganiyan sila kung diyan naman sila komportable.

Isa pa, I know that they only do what's the best for me. Total, may punto naman sila sa sinasabi nila e.

Kaso nga lang pakiramdam ko naman na hindi ganun si Fhiel e, I mean kahit medyo manyak 'yon at may pagkaseryoso, alam ko naman na wala siyang binabalak na masama sa'kin e.

"Ma, Pa, hindi naman po ganun ang taong naghatid sa'kin ngayone. But thanks for worrying."Nakangiting sabi ko na ikinabuntong hininga ni Mama.

"Pero anak, 'diba nga may kasabihang Prevention is better than cure kaya nga habang mas maaga pa, dumistansya ka na sa lalaking 'yon, malay mo may hidden agenda pala ang lalaking naghatid 'kuno' sa'yo."Sabi naman ni Mama na ikinatango naman ni Papa.

"Tama ang Mama mo, malay mo isa palang demonyo ang lalaking 'yon na nakabalat kayo ng isang anghel."Sabi naman ni Papa na ikinatawa ko naman.

Kung ano ano nalang ang sinasabi nilang dalawa. Sana okay lang ang dila ni Fhiel.

"Hindi naman po ata demonyo ang lalaking 'yon e."Pagtatanggol ko kay Fhiel na ikinakunot ng kanilang mga mukha.

"Teka nga, kanina ko pa napapansin na todo pagtatanggol mo sa lalaking 'yon? Boyfriend mo ba 'yon?"Sabi ni Papa na ikinatawa ko ng malakas.

Jusme, napakastraigh to the point talaga si Papa. Ayaw niya kasi 'yong paligoy-ligoy dahil daw doon rin naman iyon pupunta kaya minadali nalang daw niya.

"Hindi ko po 'yon boyfriend, kakakilala palang po namin, isa pa mukhang hindi naman siya masama e."Pagdadahilan ko na ikina-ingos naman ni Mama.

"Umayos ka Izy Quny Thyem, baka bigla nalang naming mabalitaan na may boyfriend ka na pala."Pagbabanta naman ni Mama na mahina kong ikinatawa.

"Don't worry, Ma, Pa, malabo pong mangyari 'yon, isa pa trabaho muna ang aatupagin ko."Sabi ko na ikinahinga naman nila ng maluwag.

"Tama 'yan, dapat hindi ka magpapadala sa mga sugar coat ng mga lalaki lalo na't dumadami na ang mga manloloko sa panahon ngayon."Sabi naman ni Mama.

"Tama ang Mama mo anak, ayaw ka lang naming masaktan at mas lalong ayaw ka naming umiiyak dahil lamang sa isang lalaki dahil kapag nangyari 'yan, baka makapatay ako ng mga hayop, kami nga ingat na ingat sa'yo tapos sasaktan ka lang, papatayin ko kaya sila e. Kaya bawal kang magboyfriend para iwas sakit at iwas iyak."Sabi naman ni Papa na mahina kong ikinatawa.

I hugged them. "Thank you for always protecting me and loving me, don't worry hindi muna ako magbo-boyfriend kung 'yan ang gusto niyo."

Nalukot naman ang mukha ni Papa sa sinabi ko. "It's not like we're controlling your mind and your life, kaya kung gusto mo talagang magboyfriend okay lang naman namin kasi buhay mo 'yan, pero as a parent to you, I don't want na masaktan ka dahil lamang sa lalaki kaya as long as I'm alive, I will protect you from those who can harm you and making you feel alone."

Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa sinabi niya. "Thank you Pa, thank you, Ma. By the way, ang drama natin ngayon."

Mahina naman silang natawa sa sinabi ko. "Oo nga e, matutulog na nga tayo, may trabaho ka pa bukas 'diba, kaya you need to sleep early para hindi maging kulang ang tulog mo bukas."Nakangiting sabi ni Mama.

Ngumite naman ako pabalik at saka bumitaw sa yakap. "Okay, Goodnight, Ma, Pa."

"G'night."Sabay na sabi nila at saka dumiretso na sila sa sala.

Ako naman ay umakyat na ako papunta sa kwarto ko, binuksan ko nag pinto at saka hinubad ang dollshoes na suot-suot ko, inilagay ko ito sa cabinet ko na puno ng mga shoes ko.

Dumiretso agad ako sa Comfort Room para mag-half bath. Nang matapos na ako ay sinuot ko na ang pajama ko at ang sando ko.

I turned off the lamp at saka dahan dahang humiga sa kama. Ilang minuto ay nakatulog kaagad ako dala na rin sa kapagoran.




•End of Chapter 6•

LIVID SERIES 4: FHIEL THRIME ASTON✔Where stories live. Discover now