CHAPTER 14

484 13 1
                                    

CHAPTER 14

BUMALIK naman kami kaagad sa Restaurant nang malaman namin na umalis pala si Cyton.

Ang buong akala ko ay hindi totohanin ni Fhiel ang kaniyang sinabi pero akala ko lang pala 'yon.

Talagang bumili siya ng isang dosenang alcohol at saka lahat ng mga ito ay pinahid niya sa pisnge ko, todo kuskos niya pero hindi sapat para saktan ako.

Namumula nga lang ang pisnge ko. Yumakap naman siya sa'kin at saka ibinaon ang kaniyang mukha sa leeg ko.

"I'm sorry, namumula pa ba?"Mahinang sabi niya.

"Yeah, pero don't worry hindi naman masakit e."Sabi ko sa kaniya na mas lalong ikinahigpit ng kaniyang yakap.

"Sorry."

"Okay lang talaga."Sabi ko sa kaniya.

"I'm jealous."Mahinang nitong sabi pero sapat na para umabot sa pandinig ko.

"Okay."

"Kung sa labi ka pa niya hinalikan, baka pinutulan ko na siya ng nguso pagnagkataon."Mahinang sabi nito at mas lalong isiniksik ang kaniyang mukha sa leeg ko.

"Ang seloso mo, wala naman tayong label."Wala sa sariling sabi ko na ikinaangat ng kaniyang tingin habang may ngite sa kaniyang labi.

"Gusto mo maging tayo?"Nakangising sabi niya ikinairap ko naman, mahina kong pinitik ang kaniyang noo na ikinasimangot naman niya.

"Ulol mo."

"Pero seryoso, e ano naman kung walang label? Yung may mga label nga hindi nagtatagal e, kaya nga mas mabuti pang walang label pero nagmamahalan."Nakangising sabi niya.

"Mahal ba kita?"Mataray na sabi ko na ikinatigil naman niya.

He withdraw his arms on my waist at saka malungkot na pumasok sa Restaurant na ikina-iling ko naman.

Tss. He's sulking again.

Sinundan ko naman siya, bago pa makapasok sa Restaurant ay niyakap ko na siya.

"Stop sulking hindi bagay sa'yo, magmukha kang bakla."Sabi ko na ikina-tss naman niya.

"Tsk!"

Umirap naman ako at saka humiwalay sa yakap. "Edi wow! May pa-tsk tsk ka pa! Bahala ka na nga, ikaw na nga itong sinusuyo, kapal ng mukha!"

Inis akong tumalikod sa kaniya at saka pumasok na sa Restaurant, hinila naman niya ang pulsohan ko at saka hinawakan ang bewang ko para hindi ako mawalan ng balanse.

"Teka, ako ang galit sa'tin pero bakit ako ang susuyo sa'yo?"Sambit niya na ikinairap ko.

"Umalis ka nga sa harapan mo, at pwede ba tanggalin mo bga 'yang kamay mo na nasa bewang ko baka hindi ako makapagpigil na putulin ko 'yan."Mataray na sabi ko na ikinanguso naman niya.

"Ang taray mo naman, sorry na kahit na nagtatampo ako sa'yo."Parang batang sabi nito at saka niyakap ako.

"Tss. Drama."Mataray na sabi ko na mas lalong ikinasimangot naman niya.

"Ito na nga e, sinusuyo ka na nga pero ikaw pa 'tong galit."Nakangusong sabi niya na ikinairap ko.

"Oh tapos? Bumalik ka na sa trabaho mo, ang landi ng isang 'to."Bulalas ko at saka umiling naman siya.

"Ayoko, hindi ako magtatrabaho kong nagtatampo ka sa'kin."Sabi niya sabay iling na ikinabuntong hininga ko naman.

"Oo na, hindi na ako nagtatampo kaya magtrabaho ka na."Mahinahong sabi ko na ikinaangat niya sa'kin ng tingin.

"Talaga?"

"Oo kaya nga magtrabaho ka na, magtatrabaho na rin ako. Hindi ako nag-apply bilang isang waitress para humarot."Sabi ko na mahina nitong ikinatawa.

"Okay. By the way, ihahatid kita mamaya once our job will done."Sabi niya na ikinatango ko naman.

"Oo na."Sabi ko sa kaniya at saka tumalikod para pumunta sa gawi ni Yenna na nakangisi habang nakatingin sa'kin.

Susmeyo, ngayon ko lang pala naalala na may kaibigan pala akong chismosa. Tiyak na gigisahin niya akonng mga tanong.

"Ano 'yon, ha? Humaharot ka na nga talaga."Nakangising sabi niya sa'kin na ikinairap ko naman.

"Si Cyton?"Pag-iiba ko nang tanong na ikinatigil naman niya.

"Umuwi siya."Sabi niya sa'kin habang hindi pa rin makatingin ng diretso.

"May gusto ka ba kay Cyton?"Tanong ko sa kaniya na ikinailing naman nito.

"No, wala akong gusto sa kaniya at 'yon nag totoo. May inaalala lamang ako."Sabi niya na ikinatango ko naman.

"Ano naman 'yon?"Takhang tanong ko sa kaniya.

"Ah wala, kalimutan mo na 'yon, isa pa... kwento ka naman girl kung paano mo napaamo ang pinsan kong 'yon."Nakangising sabi niya na ikinairap ko naman.

"Bakit hindi mo sinabi na magpinsan pala kayo?"Tanong ko sa kaniya na ikinatawa naman nito.

"Hindi mo kasi tinanong."Sabi niya na ikinairap ko naman.

"Kaya pala parang alam na alam mo siya a."Sabi ko na ikinatango naman niya.

"Yeah, at saka sa pagkakaalam ko ay wala ni isang makapagpa-amo ng kaniyang ugali, napakadistansiya nito sa mga tao at saka hindi 'yong tipong tao na plastic, he speaks what his mind thinks."Sabi niya na ikinatango ko naman.

"Ah, kaya pala."Sabi ko

"By the way, may sakit ka ba?"Biglang tanong niya na ikinatigil ko naman.

"Ha?"

"Ang sabi ko, may sakit ka ba?"Pag-uulit nito na ikinakunot ko naman.

"How can you tell?"Tanong ko sa kaniya at pinag-krus naman nito ang kaniyang braso.

"I once saw you in the Locker Room, grunting na para bang may iniinda kang sakit habang hawak-hawak mo ang ulo mo."Sabi niya sa'kin na ikinabuntong hininga ko naman.

So, she accidentally saw me, huh?

"To tell you honestly, I don't even know kung may sakit ba ako o wala dahil sa pagkakaalam ko ay ang mga magulang ko lang ang may alam kong anong resulta noong nagpacheck up ako. At saka feeling ko nga rin may mga memories na familiar sa'kin na kahit ang isang lugar, tao o bagay ay naging pamilyar sa'kin na para bang alam ko na ito dati pero hindi ko lang matandaan kong kailan at paano."Pagpapaliwanag ko sa kaniya na ikinabuntong hinininga naman nito.

She looked at me, seriously," Don't be blinded from what you saw, don't ignore it."

Kumunot na naman ng noo ko."Bagong line na naman ba 'yan sa bago mong story?"

Mukhang natauhan naman siya sa tanong ko, "Yeah, you're right. Bagong line 'yon sa story ko."





•End of Chapter 14•

LIVID SERIES 4: FHIEL THRIME ASTON✔Where stories live. Discover now