CHAPTER 16
NASA hapagkainan kaming lahat, habang si Fhiel naman ay nasa tabi ko, bali magkaharap kami ni Papa at ni Mama.
Sumeryoso naman ang kanilang mga mukha na mas lalo kong ikinakaba, palagi kasi silang nakangite, ngayon ko lang sila nakitang sumeryoso.
"Anak, may ipagtatapat kami sa iyo."Seryosong sabi ni Papa na mas lalo kong ikinakaba.
Ito na ba ang time na magtatapat na sila? 'Yong mga pagsisinungaling nila sa'kin ay ibubunyag na nila? 'Yong time na naabotan ko sila sa sala na seryoso ang kanilang mukha habang nag-uusap?
"A-Ano po ba 'yon?"Kinakabahang tanong ko sa kaniya at huminga naman ng malalim si Papa bago ito nagsalita.
Napatigil naman ako ng hawakan ni Fhiel ang kamay ko, napatingin naman ako sa gawi niya at nginitian niya lang ako.
Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa ngite niyang 'yon, may superpower ata ang lalaking 'yon, isang ngite lang na galing sa kaniya ay napagaan na ang pakiramdam ko.
"Anak, mangako ka na h'wag kang mabibigla sa sasabihin namin?"Paninigurado ni Papa na ikinabuntong hininga ko naman.
"Just tell me. Ano ba ang mga ito?"Takhang tanong ko na ikinalunok naman ni Mama.
"Ganito kasi anak, kasal kana."Diretsong sabi ni Mama na ikinanlaki ng mga mata ko.
Parang bombang sumabog ang mga sinasabi nila. Teka, ano daw? Kasal na ako? Kailan? Saan? Kanino? Bakit? Paano?
"H-Ha?"
"Sabi ko, kasal ka na. You were married to someone whom you love."Sagot naman ni Papa na mas lalo kong ikinakunot.
Mas lalong humigpit ang pagkahawak ni Fhiel sa kamay ko na ikinatingin ko naman sa kaniya.
Kanino ako ikinasal? Bakit wala akong maalala na ikinasal ako? Niloloko lang ata nila ako e? April fool's day ba ngayon?
Nagtatakha naman sila sa kinikilos ko kasi kinuha ko ang cellphone ko tapos ichineck kong anong araw ba.
"Hindi naman April ngayon a."Mahinang sabi ko na ikinatawa nila ng mahina.
"Hindi nga April kasi nga nagsasabi kami ng totoo. Totoong ikinasal ka na noon at kasal ka pa rin ngayon, nangako na kayo sa simbahan at sumumpa."Sabi naman ni Mama na ikinahawak ko sa aking ulo para i-sink in lahat ng mga sinabi nila.
"Kung ikinasal nga ako at kasal pa hanggang ngayon, e bakit wala akong maalala?"Takhang tanong ko sa kanila na ikinabuntong hininga naman ni Papa.
"You were in coma for 6 years."Mahinang sabi ni Papa na mas lalo kong ikinakaba.
Ang dami namang revalations, pwede bang isa isa lang muna? Feeling ko sasabog na ang utak ko sa kakaisip e.
"W-What? Bakit ako nacoma?"Tanong ko sa kanila na ikinayuko naman nila.
"Kidnapped. You were kidnapped to someone who's very obsessed with you."Mahinang sabi ni Mama pero sapat na para marinig ko.
Wow! Ang ganda ko talaga, sa sobrang ganda lapitin ng disgrasya kaya ako na-coma!
Hindi makapaniwalang tiningnan ko sila, "Buhay pa ba ang nag-kidnapped sa'kin?"
Mahina namang tumango si Papa, "Yes, he also threatened our lives kaya nga hindi namin magawang sabihin sa iyo ang lahat dahil nga pinangungunahan kami ng takot, may sakit siya sa pag-uutak, kung gusto nitong pumatay, papatay talaga ito. Hindi siya nakulont dahil wala kaming mabigat na motibo para ikulong siya lalo na't maraming tumulong sa kaniya."
Kumuyom naman ang mga kamao ko, "Sino ba 'yang taong 'yan, ako na mismo ang tatapos sa buhay niya! Letsugas, 6 years ang sinayang ko at 6 years akong nakatulog dahil lamang sa kagagohan ng lalaking 'yon! Kaya pala biglang sumakit ang ulo ko tapos may nagsasalita na pagisingin ako, parte na pala 'yon na nakaraan ko."
"Anak, may isa pa kaming ipagtatapat sa'yo."Sabi ni Mama na ikinaseryoso ko naman.
"Ano na naman ba 'yon?"Tanong ko sa kaniumya at bumuga muna ito ng hangin bago ito nagsalita.
"Si Fhiel Thrime Aston ang asawa mo."Sabi ni Mama na ikinanlaki ng mga mata ko.
"A-Ano?"
"Siya ang asawa mo, remember na ayaw namin na magpaligaw ka o magbo-boyfriend o kahit na lumalapit ka lang sa mga lalaki dahil alam kong masasaktan mo ang iyong asawa na hindi mo maalala. Kaya nga noong nalaman ko na may naghatid sa'yo na lalaki ay binalaan na kita, dahil ayokong masaktan ang asawa mo, pero laking tuwa ko ng malaman na siya pala ang humatid sa'yo kaya sumuporta lamang ako dahil asawa mo naman siya kaya wala ng masama."
Nagsalita naman si Mama, "Kaya nga napaisip nga ako na kahit na mawala man ang iyong alala, makakalimutan mo man ang taong minamahal mo ngunit ang iyong puso ay hindi makakalimot, kahit ma maraming hadlang sa pag-iibigan niyo, gagawa talaga ng paraan ang tadhana para pagtagpuin ulit kayo ng landas."
Nalaglag naman ang mga panga ko sa mga nalaman ko, hindi makapaniwalang tumingin ako kay Fhiel na nakangise na.
"You knew?"Hindi makapaniwalang sabi ko at nakangising tumango naman siya.
"Yes."
"Why didn't you tell me?!"Pasigaw na sabi ko sa kaniya na ikinabuntong hininga niya naman.
"Sa tingin mo maniniwala ka kung sasabihin ko na Asawa kita habang wala ka pang alala?"Sarkastikong sabi niya na ikinanguso ko naman.
"Hindi."
"Oh, nasagot mo na ang tanong mo."Sabi niya na ikinairap ko naman at saka muli akong tumingin sa direksyon ni Mama at Papa.
"Teka nga, kung asawa ko ito...May singsing ba ako?"Takhang tanong ko.
Actually may singsing talaga ako, nasa wedding ring finger ito, bigay 'to ni Mama sa'kin.
Itinuro naman ni Mama ang singsing na suot ko,"'Yan."
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya, "What?! Akala ko binigay mo ito sa'kin?"
"Wala akong sinabi na sa'kin galing 'yan, tinaggal 'yan ng taong nag-kidnapped sa'yo at nakita namin 'yan sa kotse ng kidnapper."Pagpapaliwanag ni Mama.
"Sino ba 'yang putagris na kidnapper na 'yan?"Inis na sabi ko na ikinayuko naman nila.
"I'm sorry anak pero wala kaming nakuhang ebedensiya at hindi rin namin alam kung sino ito, nakamaskara ito ng kinuha ka kaya hindi namin mamukhaan kong sino siya."
"May isa pa akong ipagtatapat sa iyo, Anak."Sabi naman ni Mama na ikinataas ko ng aking kilay.
"Ano 'yon?"Tanong ko sa kaniya.
"May anak ka."
WHAT?!
•End of Chapter 16•
YOU ARE READING
LIVID SERIES 4: FHIEL THRIME ASTON✔
Ficción GeneralLIVID SERIES 4: ILLUSION FHIEL THRIME ASTON was searching her for a long time, he misses her so much. In everyday of his daily life, she always in his mind. He prayed that he would found her. Luckily, he saw her working at the restaurant, he didn't...