CHAPTER 25

635 17 0
                                    

CHAPTER 25

MAKALIPAS ang ilang buwan, napagdesisyonan naming ituloy ang naudlot naming kasal dahil lamang sa isang baliw na tumutol dito.

This time, sa simbahan na talaga kami ikakasal para wala na talagang hadlang, mahiya naman sila sa Panginoong Diyos.

Wala na naman sigurong tumutol 'diba? Wala na naman ang sigurong magpabaril 'diba kasi nasa loob na kami ng simbahan.

Maybe that happens for a reason.

Inayosan na rin ako ni Yenna, kanina pa siya naiinis kasi daw palagi ko daw binubura ang kaniyang pag-eyeline sa mata ko.

Duh, ayoko namang pumunta doon na magmukhang panda, may itim sa mata.

"Ano ka ba?! Umayos ka nga?! Paghindi ka aayos isaksak ko 'to sa mata mo?!"Inis niyang sabi sabay turo sa eyeliner na hawak niya.

"Ayoko nga niyan e.."Pagmamaktol ko sa kaniya.

"Manahimik ka nga!"

"Oo na basta 'wag mo lang na kakapal baka masabunotan kita ng wala sa oras."Mataray na sabi ko sa kaniya na ikinatawa naman nito.

"Oo na kaya umayos ka na diyan, male-late na tayo sa kasal mo."Sabi niya na mahina kung ikinatawa.

Ipinikit ko na ang mga mata konat nagsimula na itong mag-eyeline sa takipmata ko.

MAKALIPAS ang ilang minuto sa pag-aayos ay natapos na rin kami. Ipinaandar na ni Yenna ang sasakyan, siya kasi ang napiling driver ko.

"Magsearbelt ka mahal na prinsesa dahil ipapalipad ko ang sasakyan na'tin."Sabi niya at saka pinaharorot niya ito ng sobrang bilis.

Halos lumabas na sa katawan ko ang kaluluwa ko dahil sa bilis ng kaniyang pagtatakbo, ang mga tao na nasa daan ay nagsitabihan dahil takot na masagasaan.

Mabilis naman kaming nakarating sa simbahan, napahawak naman ako sa tiyan ko dahil parang gusto kong sumuka pero pinigilan ko lang.

Matalim na tiningnan ko siya, "Balak mo ba akong patayin? Ha?"

"Hindi a, ganiyan lang talaga ako mag-drive kaya nga ako ang pinili nila na maging driver mo para hindi ka malate. Tingnan mo ang relo mo.."Gaya ng sinabi niya napatingin naman ako sa relo ko, halos nanlaki ang mga mata ko dahil alas 6:30 kaming nasa bahay tapos nakarating kami 6:32 e ang layo ng simbahan sa bahay namin.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya, "Ang bilis mong magpatakbo, racer ka ba?"

"Yeah."Nakangising sabi niya.

"Saan naman?"

"Sa Newyork lang."

"Tss. Pasok na tayo."Sabi ko na ikinatawa naman nito ng mahina.

"Ikaw lang."Nakangising sabi niya.

Umalis naman siya sa harapan ko para pumunta sa back door ng simbahan, hindi ko nalang siya pinansin.

Napatingin naman ako sa malaking pinto ng simbahan dahil bumukas na ito hudyat na upang magsimula na akong maglakad sa aisle.

Katabi ko naman si Papa na naka-akay sa'kin at si Mama naman ay sa kaliwang braso ko umakay. Kasama naman ang anak ko na nasa tabi ko rin.

Magpasok ko sa simbahan ay sumalubong sa'kin ang mga magagandang ayos ng simbahan, napatingin rin naman ako sa mga taong saksi sa aming pagmamahalan at aming kasalan na may matatamis na ngite ang isa-isang sumilay sa kani-kanilang labi.

Nakatakip ang puting belo sa mukha ko kaya hindi nila nakita na kanina pa nagsilandas ang mga luhang kanina ko pa pinigilan.

Medyo hindi ko naman makita si Fhiel dahil sa belo na nakatakip sa mukha ko, nasa dulo siya ng aisle habang hinihintay akong makarating doon.

LIVID SERIES 4: FHIEL THRIME ASTON✔Where stories live. Discover now