CHAPTER 17

463 13 0
                                    

CHAPTER 17

NAPAHAWAK naman ako sa ulo ko habang nakaupo sa table, nasa Restaurant na kasi ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kagabi.

Ang daming revalation ang nagaganap, hindi man lang nila ako ininform na may mga big revalation ang magaganap edi sana inihanda ko na ang sarili ko.

At talagang nahimatay pa ako nang malaman ko na may anak na rin ako. Anak namin ni Fhiel.

Napatigil naman ako ng may lumapit sa'kin, "Ano, okay ka lang ba?"Nag-alalang tanong ni Yenna sa'kin.

"Mukha ba akong okay? Ang daming nagaganap sa bahay, ang daming revalation, jusko, parang sasabog na ang utak ko sa kaka-isip."Sabi ko sa kaniya na ikinatawa naman nito ng mahina.

May baby talaga kami? Ilang taon na, wait....6 years old na ba siya? Kasi 6 years rin akong na-coma kaya posibleng 6 ang edad niya.

Paano namin ginawa ang baby? Anong posisyon ba?

Nag-iinit naman ang pisnge ko dahil sa naisip ko. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa kung ano ano nalang ang naisip ko.

Pero seryoso, gumawa talaga kami ng baby? Ano ba ang pangalan? Excited na akong makasama, makausap at mayakap ang anak ko.

"Nabalitaan ko rin na sinabi na sa'yo ni Tita ang nangyari."Nakangiting sabi ni Yenna na ikinatalim ng tingin ko sa kaniya.

"So alam mo?"Mataray na sabi ko na ikinahaba ng kaniyang nguso.

"Oo, sorry na."Parang batang sabi niya na ikinairap ko.

"Kaya pala todo bigay ka ng mga linyang akala ko sa story mo pero para talaga sa'kin. Our Hindraince Relationship my ass."Mataray na sabi ko sa kaniya.

"Sorry naman."

"Ewan ko sa'yo, alam mo bang dalhin sa mga linyang 'yon sumasakit ang ulo ko tapos parang humati sa dalawa ang ulo ko tapos may nagsilabasang mga familiar na mga places pero hindi ko naman as in na makita at maalala. Halos maiyak na ako dahil sa sakit, 'yong mga unan ko ang pinagbubuntonan ko ng sakit kaya ayon sira na silang lahat dahil sa ngipin ko."Inis na sabi ko sa kaniya na mahina naman nitong ikinatawa.

"Mahilig ka pang mangagat."Natatawang sabi nito na ikinairap ko naman.

"Oo mahilig akong mangagat, kaya pag ako napuno sa'yo kakagatin kita."Pananakot ko sa kaniya na ikinalunok naman niya.

"H'wag ka ngang magbibiro ng ganiyan, sumbong kita sa asawa mo e. Sana all may asawa na."Pang-aasar niya na ikinapula ng buong mukha ko.

Nag-iwas naman ako ng tingin, "S-shut up! Hindi nga ako makapaniwala na kasal na pala ako at saka may anak na pala e, at mas lalong hindi ko iniexpect na si Fhiel ang asawa ko, like what the heaven!"

Natawa naman ito sa reaksyon ko," Susko, dahil nga may asawa ka na, posibleng araw arawin niyo na."

Napakunot naman ako sa sinabi niya, "Araw-arawin, anong araw—"Narealize ko naman ang pinuponto niya kaya ibinato ko ang stick sa kaniya, buti nalang at nailagan niya ito.

"Putagris naman Izy, balak mo ba akong patayin ng hindi ko pa nakikita ang para sa'kin?"Bulalas nito na ikinairap ko naman.

"Bibig mo kasi sarap lagyan ng maraming holywater."Sabi ko sa kaniya na ikinatawa naman nito.

"Sus...feeling virgin pa ang isang 'to, baka nga no'ng mag-asawa pa kayo ay 3 times a day niyong ginawa sa isang araw, kunwari pa."Sabi niya na mas lalong ikinainit ng mukha ko.

Ibinato ko naman ang isang stick sa direksyon niya at naiwasan niya naman ito at pinamewangan pa ako.

"Balak mo ba akong patayin?! At saka, totoo naman ang sinabi ko a, hindi naman kayo makagawa ng baby kong hindi kayo nagse-se—"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng binato ko na naman siya ng stick at naiwasan niya naman kaagad ito.

"Putagris mga pre, balak mo talaga akong patayin! Ni wala pa nga akong lovelife, wala pang asawa at wala pang anak tapos papatayin mo na ako? Goodness."Maarteng sabi nito sabay hawak sa kaniyang noo na nag-shinning shemmiring forehead.

"Duh, hindi ka mamamatay sa isang stick lang, ang oa nito."Sabi ko na ikinasingkit ng kaniyang mga mata.

"Kapal ng engot na 'to, porket may asawa ka na ay gaganiyanin mo na ako."Kunwaring malungkot niyang sabi na ikinairap ko naman.

"Edi maghanap ka ng mapapangasawa mo, problem solved."Sabi ko sa kaniya na ikinairap niya naman.

"H'wag na, baka ito na ang kapalaran ko, tatanda ng walang jowa."Sabi niya na ikinatawa ko ng malakas.

"Gaga ka talaga, baka sugar daddy ang para sa'yo."Pang-aasar ko naman sa kaniya na ikinaasim naman ng kaniyang mukha.

"H'wag nalang, mas gusto ko pang magpakamatay kaysa sa magkaroon ng sugar daddy."Sabi niya na ikinairap ko naman.

"Bruha ka talaga, natraffic lang ang maging jowa mo, ata't na ata't ka na ba talagang magka-jowa?"Mataray na sabi ko at iniripan lang naman niya ako.

"Oo, ata't na ata't na ako."Sarkastikong sabi niya na mahina kong ikinatawa.

"Sus, h'wag kang magmadali dahil dadating rin 'yan, sa isang relasyon walang pabilisan, patagalan 'yan, ang matira matibay."Sabi ko sa kaniya na ikinatawa naman niya.

"Oo nga naman, kung sabagay ay tama ka talaga."Natatawang sabi niya na ikinaningkit ng mga mata ko.

"Duh, tama naman talaga ako, kailan pa ako nagkakamali?"Mataray na sabi ko na ikinaseryoso naman niya.

"Sa pagtitiwala."Seryosong sabi niya na ikinakunot ko naman.

"Alam mo, ang weird mo, ang sarap mong ipakain sa buwaya, kung ano ano nalang ang sinasabi mo."Mataray na sabi ko na ikinatawa naman niya.

"Pero totoo naman ang sinabi ko a, nagtiwala ka sa taong hindi naman talaga pwedeng pagkatiwalaan."Seryosong sabi niya sa'kin na ikinakunot ko naman.

"Sino naman ito? Sino ba ang taong mali na pinagkakatiwalaan ko?"Tanong ko sa kaniya at ngumite naman ito at saka niyakap ako.

"I love you because you are my bestfriend since naging kayo ng pinsan ko, kaya when something comes up, I will protect and help you because that what's friends do."





•End of Chapter 17•

LIVID SERIES 4: FHIEL THRIME ASTON✔Where stories live. Discover now