CHAPTER 15
ALAS otso na ng gabi at saka nagbihis na ako ng damit na sinuot ko kaninang umaga bago ako lumabas ng bahay namin.
Nang matapos na akong magbihis ay dinala ko ang uniporme ko at saka inilagay ito sa backpack na dala dala ko para labhan.
Lumabas na ako sa Locker Room at saka sinirado ito saka inilock. Lumabas na rin ako sa Restaurant at saka nilock na rin. Tapos ko na ring ichineck ang backdoor.
Nakita ko naman siyang nakapamulsang naglalakad papalapit sa direksyon ko.
Hinapit niya naman ang bewang ko papalapit sa kaniya.
"Let's go."Nakangiting sambit niya at tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Anyways, anong pinag-uusapan niyo ni Yenna kanina?"Takhang tanong niya na ikinairap ko.
"Chismoso ka ter?"
Ngumuso naman ito, "I'm just curious, that's all."
"Asus..Kunwari pa. Mga bagay bagay lang naman, tungkol sa kung paano daw kita napaamo."Natatawang sabi ko na ikinaingos niya.
"Napaamo? Tss. Bakit? Mukha ba akong hayop na kailangan pang paamohin?"Sarkastikong sabi niya na ikinatawa ko naman.
"Oo daw."Natatawang sabi ko na mas lalong ikinanguso naman niya.
"Stop bullying me!"Parang batang sabi nito na mas lalo kong ikinatawa.
"Don't wanna."Natatawang sabi ko sabay iling na mas lalong ikinahaba ng kaniyang nguso.
"Bad, bad Izy. What punishment should I bestow you for teasing me, hmm?"Nakangising sabi niya sabay lapit ng kaniyang mukha na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"Ilayo mo 'yang mukha mo, Fhiel."I said in a threatening voice but not enough to stop him.
He whispered right in my ears, "Why do my name sound sexy when you said it."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at akmang aalis na sana ng humigpit ang yakap nito sa bewang ko.
He leaned closer to my face hanggang sa tumama ang ilong niya sa ilong ko. Pinikit ko nalamang ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kaniyang malalambot na labi na nasa labi ko.
He kissed me gently, napahawak naman ako sa laylayan ng kaniyang damit para doon kumuha ng lakas dahil parang kinuha niya lahat ng mga lakas ko gamit ang kaniyang masusuyong halik.
Napabitaw naman ito sa halik at saka nakangusong tumingin sa'kin, "You didn't respond, don't you like it?"Parang batang tanong niya na mahina kong ikinatawa.
"Let's go na, baka hinahanap na ako ni Mama at Papa."Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.
"Yeah, we should baka mapatay ako ng Papa mo."Sabi niya na ikinatawa ko naman.
MGA ilang minuto ang lumipas ay nasa bahay na ako kasama si Fhiel, akmang aalis na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa naman nito si Papa.
Napatingin naman siya sa gawi ko bago ito tumingin kay Fhiel. "Get inside, Fhiel. Kain ka muna." Pag-aya nito na ikina-awang ng bibig ko.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Papa, "Seriously, Pa? Papasokin mo siya sa bahay?"
"Yes."
"E hindi ka nga nagpapasok ng kung sino sino nalang e, malay mo may hidden agenda."Sabi ko sa kaniya.
"Ang sama naman ng anak niyo, Sir."Sabi ni Fhiel at pinukulan ko naman siya ng masamang tingin.
"Kilala ko naman si Fhiel e kaya okay lang."Sabi niya sa'kin na mas lalong ikinakunot ko naman.
"E, kahit na marami kang kakilala e hindi ka pa rin nagpapasok sa iyong kaharian pero itong si Fhiel e pinapasok mo lang basta basta."Sabi ko sa kaniya at sumingit naman si Fhiel.
"Kung ayaw mo akong papasokin sa bahay niyo, magsabi ka lang!"Sabi naman ni Fhiel na ikinabuntong hininga ko naman.
"Hindi naman sa ganun, nagtatakha lang ako kay Papa."Sabi ko sa kaniya na ikinaingos naman niya.
"Uuwi nalang ako."Malamig niyang sabi na ikinasabunot ko sa sarili kong buhok.
Inis akong naglakad papalapit sa kaniya at hinila siya papasok sa bahay.
"Ikaw pa talaga ang may ganang magtampo. Palagi ka nalang nagtatampo, malay mo isang araw malalaman ko na bakla ka pala."Sabi ko sa kaniya na ikinalukot ng kaniyang mukha at saka tiningnan niya si Papa.
"Sir, anak niyo po oh, palagi alang akong inaasar."Pagsusumbong nito kay Papa na ikinatawa naman ni Papa.
"Hindi ka pa ba sanay sa isang 'yan?"Natatawang sabi ni Papa na ikinatawa rin ni Fhiel.
"Sanay na."Sabi nito na ikinatawa ni Papa.
"By the way, stop calling me Sir, just call me Papa."Nakangising sabi ni Papa na ikinalukot ng mukha ko.
"Papa naman e!"Pagmamaktol ko sa kaniya.
Nakangising tumingin naman sa'kin si Fhiel. "Ano ka ngayon?"
Iniripan ko naman ito. "Ayokong may kahati ako, gusto ko sa akin lang. At saka may Papa ka naman 'diba? Bakit ka pa nikiki-Papa sa Papa ko? Kapal ng face."
Mahina naman itong natawa sa sinabi ko, "Para fair, tawagin mo rin na Papa ang Papa ko." Nakangising sabi niya na ikinamula ng buong mukha ko.
Napatigil naman kami pareho ng magsalita si Mama. "Kain muna tayo mga kids."Nakangising sabi ni Mama.
Akmang tatayo na sana ako ng magsalita muli si Mama at saka tiningnan niya si Fhiel. "By the way iho, don't dare to call me Ma'am kasi hindi naman ako teacher kaya Mama malang ang itatawag mo sa'kin."
"Ma!"I exclaimed na ikinatawa naman nila.
"Sorry sweetie, it just that you two are too adorable."Nakangising sabi ni Mama, isang ngising pang-aasar na mas lalo kung ikinapula.
Tumili naman si Mama at saka niyakap si Papa, "Honey, Izy Quny Thyem blushed!"
"I know, I also saw it."Pagsasang-ayon ni Papa sa sinabi ni Mama na mas lalo kong ikinapula.
What's wrong with this people!
"Stop teasing our sweetie, she's embarrassed to confess that she also love Fhiel."Sabi ni Mama na mas lalo kong ikinapula.
"I know, kaya nga hindi niya sinunod ang sinabi natin sa kaniya no'ng sinabihan natin siya na h'wag nang makipagkita sa lalaking naghatid niya no'ong araw na 'yon tapos nakipagkita pa rin siya. Therefore I conclude that she's inlove."Pang-aasar ni Papa na mas lalong ikinapula ng pisnge ko.
Napatingin naman ako sa gawi ni Fhiel na nakangisi na.
•End of Chapter 15•
YOU ARE READING
LIVID SERIES 4: FHIEL THRIME ASTON✔
BeletrieLIVID SERIES 4: ILLUSION FHIEL THRIME ASTON was searching her for a long time, he misses her so much. In everyday of his daily life, she always in his mind. He prayed that he would found her. Luckily, he saw her working at the restaurant, he didn't...