Thank god natapos rin sila!
Yung escape plan ko kanina, pareho silang fail. i tried to stay in my car pero agad akong nahila ni rose at sa isa namang plano ko, sinubukan kong tumakas pero kahit mag excuse akong magc cr, susunod sila. ayoko rin naman sabihin na may lagnat ako dahil baka masira tong bonding nila
Sa susunod na yayain ulit ako ni rose, i will decline immediately, nakakapagod silang kasama.
Pabagsak akong umupo at kinain yung ice cream na inorder ko habang yung dalawa ay umorder lang ng juice
On diet daw sila, tss
"Ay shit nakalimutan ko yung documents sa condo ko" kinalkal ulit ni laureen yung dala niyang sling bag niya
"Siguradong mapapagalitan ako ng manager ko nito""Bakit? ano bang meron sa documents na yun?" tanong ni rose sakanya
"Yun yung documents na ipapasa ko sa manager ko para maging ganap akong model sa companya nila" napatayo siya
"Maiwan ko muna kayo dito girls, kukunin ko lang yun, ituloy niyo na ang pagsho shopping ng wala ako"Nag sink in sa utak ko yung sinabi niya kaya agad akong kumilos
"Wait laureen, ako nalang ang kukuha tutal mas mabilis dahil may kotse akong dala, sabihin mo lang sakin yung address at kung maaari, yung password narin ng condo mo"Napatalon ako sa tuwa nung pumayag siya. mas gusto ko pa to, kesa sa mag shopping kasama si rose.
Prente akong nagtungo sa parking lot at nag drive na papunta sa condo ni laureen
Actually, her condo is just a few miles from here kaya di ako nahirapan. pagkalabas ko sa elevator ay nagtungo na ako sa room 273
Inilabas ko yung papel kung saan kanina isinulat ni laureen yung password niya
011296
*click*
Unti unti kong binuksan ang pinto, bumungad sakin ang malinis na paligid
Nice!
Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin yung papeles na sinasabi ni laureen pero wala akong nakikita
Sumakit ulit yung ulo ko kaya napaupo ako saglit sa couch at hinilot ang ulo ko, pati yung buong katawan ko ata masakit na. pagkatapos talaga nito, bibili ako ng gamot ko at hindi na lalabas sa kotse mamaya pag naibigay ko na kay laureen yung papeles
Sa kwarto niya kaya? baka naman meron doon yung papeles?
Kahit nanghihina ay nagtungo ako sa kwarto niya, dahil madilim ay isinindi ko yung ilaw
Shit!!
"Anong ginagawa mo dito!?"
"What are you doing here?!"Guess what? si alexus na jerk ay nandito ngayon sa condo ni laureen at nakahiga dito sa kwarto!
Gulat na gulat kaming napatingin sa isat isa
"Ako dapat ang magtanong niyan! condo ito ni laureen kaya bakit nandito ka?!"Napataas ang kilay niya
"What the hell are you talking about?! this is not her condo, may sarili siyang penthouse dito mismo sa building na ito kaya papaanong naging condo ni laureen ito?"Natutop ang bibig ko, ano na naman ba tong gulong pinasok ko? hinilot ko ang sintido ko at bumalik nalang sa sala para umupo sa couch
I decided to call laureen pero palagi niyang pinapatay kaya napagod rin ako
Mukhang malala narin yung lagnat ko, anong gagawin ko ngayon?
Narinig ko ang yabag ni alexus patungo sa direksyon ko
"What are you still doing here? umalis kana"
BINABASA MO ANG
Let Me Hear Your Heartbeat
Teen Fiction"You can tell if a person is nervous, happy, excited, or heartbroken by their heartbeat. As for Lorelei, every time her heart beats faster, it doesn't mean that she's in love or anything like that. Her heart is telling her that she's sick, and she c...