Chapter 22

80 6 0
                                    

Pagmulat ko mukha agad ni alex ang una kong nakita, ngumiti siya nung makitang gising na ako
"Good evening"

Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan na natutulog? Napaupo ako at tinignan ang oras
"Ilang oras akong nakatulog?"

"Bale isang araw kang tulog, its already 6:30pm"

Isang araw akong tulog? Ganun ba ako kapagod?

"Hey.." Hinila ako ni alex kaya napahiga ako, niyakap niya ako
"Im sorry.."

I relaxed in his embrace, I also need this hug. Yumakap ako pabalik, ganoon lang kami hanggang sa naalala ko yung nangyari kahapon, humigpit ang hawak ko sakaniya
"Please alex.. Dont do stunts like that again"

Di ko alam kung anong gagawin ko pag natuluyan tong isang to

Humiwalay siya at pinagmasdan ako
"I wont.. Besides, how can I when you confessed to me?"

Naalala ko yung sinabi ko kaya namula ako at umiwas ng tingin

Pinaalala pa talaga, tss.

He chuckled
"Youre too cute lorelei"

Yinakap niya ulit ako kaya sumiksik ako sakaniya para itago ang nagkakamatis na pisngi ko

"I love you too"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos macheck ng mga doctor kung okay na talaga si alex ay nadischarge na siya. kakalabas nga lang namin ngayon sa hospital, papunta kami sa parking lot. gabi na rin kasi at may pasok pa bukas kaya kailangan narin kaming magsiuwian

Kasama namin ngayon ang kaband mates niya, sila lorelei, jin at si rose

"Wow! mukhang good mood na good mood tayo ngayon alex ah? kahapon lang ang sungit mo tas ngayon ang saya saya mo na" lumapit si chase sakanya at umakbay siya dito
"Tell me, tungkol ba ito sa nurse kanina na malaki ang dibdib?"

Nagtawanan silang mga lalake. natatawang tumanggi si alex kay chase
"Hindi ako mahilig sa mga ganun"

"Weh? eh kanina nga lang nakita kitang nakatitig doon kanina"

Nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig. mukhang nahalata ni alex na nagbago ang mood ko kaya napaubo siya at tinanggal ang pagkakaakbay sakanya ni chase
"Hindi nga sabi, im just happy thats it"

"Sabi mo eh! oh sige alis na kami, ingat ka bro" tumango sakanya si alex kaya nagsipasok na sila sa kani kanilang sasakyan, si rose at laureen ay may dala ring sasakyan at mukhang may driver pa sa loob

Marunong bang magdrive si laureen? i never saw her driving a car yet.

Ako naman.. kay alex ako sasakay, kila laureen sana ako kanina but alex immediately declined and said that he will drive me home instead.

Alex opened the car door for me, nakasimangot akong pumasok. diko parin kasi nakakalimutan yung sinabi kanina ni chase.

He said he loves me too.. totoo kaya yun?

Pumasok si alex at inistart yung sasakyan, pagkatapos ay nagdrive na siya.

Hindi ako nagsalita, tumingin lang ako sa labas ng bintana. mga babaeng malaki ang dibdib ba talaga ang gusto ni alex? walang kamalay malay akong tumingin doon sa sarili kong dibdib.

Maliit lang siya kumpara sa babaeng nurse kanina.. Hahawakan ko na sana ito ng napailing ako sa naisip

Aishh! tila tila nalang ang naiisip ko dahil sa lalakeng ito!

"Okay ka lang? bakit ka hindi nagsasalita?" nahalata siguro ni alex ang inis ko.

Napalingon ako sakanya, nakatingin lang siya sa harap kaya malaya kong nakita ang side profile niya
"Im okay! pagod lang talaga ako kaya hindi ako nagsasalita"

Let Me Hear Your HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon