Two weeks have pass.
Sa nagdaang araw ang raming nangyari. naging okay na kami ni daddy, mas napalapit kami ni alex, mas naging kaclose ko yung mga taong hindi ko gusto noon at yung mga mana na binigay sakin ni mama sinubukan ko ng ayusin.
Mahirap. syempre wala akong alam sa larangan ng designs or pagma-manage ng business, but my secretary taught me kaya medyo naha handle ko na naman. yung isla ni mama, hindi ko pa siya napupuntahan pero balak ko siyang gawing tourist spot. gusto kong buhayin yung islang yun.
Ito rin kasi yung mga isa sa hindi natuloy na balak ni mama, yung gawing tourist spot yung islang yun.
Malapit narin naman yung graduation kaya medyo hassle narin sa school, iniisip ko yung test, projects at mga ibang activities sa school.
Nakakapagod siya but i know this will all be worth it. makakagraduate na rin ako at next year, magka collage na.
But because its saturday today, alex and i planned to have a date. kaya isasantabi ko muna lahat ng problema ko.
Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni alex, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kaya mas nae excite ako.
Kanina pa ako nakangiti at nakatitig sa side view ni alex. He looks handsome in his side view, nakakaadik titigan...
"Stop staring lorelei, if you keep doing that, mababangga talaga tayo" naiiling niya akong sinulyapan bago ulit tumingin sa daan
Umiwas nalang ako ng tingin, pinagdiskitahan ko yung radio. inopen ko ito at nilakasan yung volume.
Saktong nagplay yung beautiful scars ni maximillian kaya masaya akong nakinig
Nung dumating na sa stanza ay diko na napigilan at napasabay na ako sa kanta
"Oh, but what is lost aint gone
No, you can't just let go
Cause its the part of you that will make you strong
Embrace your flaws~"Lumingon ako kay alex na nakangiti habang nagdra drive, sabay naming kinanta ang chorus part
"Im not gonna fight back what ive become~
Yeah, ive got bruises where I came from~
But I wouldn't change if I could restart~
I ain't gonna hide this beautiful scars~
I've been going way too hard on myself~
Guess thats its the reason I've been feeling like hell~
But I wouldn't change if I could restart~
I'm not gonna hide this beautiful scars~"
Kinanta namin ni alex ang kanta at the top of our lungs habang ngumingiti. kahit tapos na yung kanta ay hindi parin mabura bura ang ngiti naming dalawa, halatang enjoy na enjoy kaming dalawa.
In my intire life, hindi ko talaga inasahan na mararanasan ko ito, i thought i will just be sad forever, but look at me now..
Hindi ko talaga pinagsisihan na sinundan ko si alex noong mga time na yun.
This is so priceless, and so worth it.
The whole ride was amazing, ang saya saya naming pareho.
Akala ko wala na akong ikasasaya pa pero pagdating namin sa pinagdalhan sakin ni alex ay halos mapanganga ako
Nasa Dessert museum kami, dito pala ako dadalhin ni alex.
I never go to this place before, ngayon lang talaga. and the thing is, kami lang talaga ni alex ang nandito ngayon dahil binayaran na raw ni alex ito ng isang buong araw. binigyan kami ng tag noong isang lalake, tapos noong papasok na kami ay may inabot saaming candy yung isang babaeng staff
BINABASA MO ANG
Let Me Hear Your Heartbeat
Teen Fiction"You can tell if a person is nervous, happy, excited, or heartbroken by their heartbeat. As for Lorelei, every time her heart beats faster, it doesn't mean that she's in love or anything like that. Her heart is telling her that she's sick, and she c...