Naging okay na naman ako kinaumagan kaya pumasok na ako
Kasama ko si rose kanina pero nagkahiwalay rin kami dahil magkaiba kami ng section kaya heto ako ngayon, mag isa na naman.
Wala na naman si alexus sa buong klase namin kaya nung maglunch, dating gawi namin ni rose ay pumunta sa cafeteria at doon kumain. habang papunta kami doon ay biglang nagsalita si rose
"Birthday mo na sa sabado diba?"Di ako nakasagot agad, naalala niya ang birthday ko? sinubukan kong sumagot
"Oo"Ngumiti siya ng napakatamis
"Sabi ni mama ano daw gusto mong theme sa debut mo?""Walang debut na magaganap rose" sumeryoso na ako. ayokong mag debut..
"But mama already talk to your dad---!"
"Tita called my dad?!" nasa labas na kami ng cafeteria nung tumigil ako sa paglalakad at humarap kay rose
Bakit nila tinawagan yung taong yun?!
Mukhang nagulat si rose sa biglang pag iba ng tono ko
"Lorelei, pumayag yung daddy mo""No! tell tita to cancel it" imbis na pumasok ako sa cafeteria ay naglakad na ako pabalik sa dinaanan namin kanina
Sinubukan akong habulin ni rose
"Saan ka pupunta?!""May gagawin lang ako, mauna kanang kumain"
"Lorelei!"
Di ko siya pinansin at nagputuloy lang sa paglakad
Sinong nagsabi na pwede nalang silang magplano na hindi ko nalalaman? thats my f*cking birthday! at kung sinabi kong ayokong mag debut, ayoko.
Sa kakalad ko ay diko na namalayang nasa likod na pala ako ng building ng school, umupo ako sa may harapan ng puno at ninamnam ang simoy ng hangin.
Mukhang dito na ang bagong pupuntahan ko palagi, ngayong wala na sakin yung keychain, ito na siguro yung bago kong gamot.. pampakalma
Dahil vacant time namin pagkatapos ng lunch, dito na muna ako magpapahinga. i stared at the clear blue sky
Ang ganda ng panahon ngayon..
Biglang nag ring yung phone ko kaya sinagot ko ito. its my tito.. kapatid siya ni mama at siya yung lawyer na nagha handle ng mga dokumentong magpapatunay na ako ang magmamana ng mga naiwang kagamitan ng mama ko
"Hello tito""Good evening lorelei"
Napaayos ako ng umupo
"May problema po ba tito?""No, wala naman. im just gonna inform you that the documents are ready, malapit narin kase yung birthday mo"
"Thats a great news" malapit na akong umalis sa pamamahay na yun..
"So... ayos na po ba ang lahat tito?""Actually, hindi pa. naayos na naman lahat dahil nakasulat na rin naman na talagang sayo ibibigay ang mga naiwang gamit, negosyo, at pera ng mama mo, ang kulang nalang talaga ay ang signature ng papa mo"
Napabuntong hininga ako dahil doon
"Ill talk to my dad later po tito, ill make sure he'll sign the paper""Yes, that will be great. ipapadeliver ko nalang sa bahay niyo yung documents"
"Okay tito, bye po"
"Goodbye iha.. mag iingat ka palagi"
Saktong nag bell pagkababa ko ng phone, kaya tumayo na rin ako at napagdesisyunang pumasok na
Habang naglalakad ay biglang sumulpot si laureen sa harapan ko, may binigay siya saking papel. tinignan ko ito
"Welcome party? para saan ito?" nagtataka kong tinignan si laureen
"My tita just came back after her world travel, dalawa sila ng asawa niya, kaya magpapa welcome party si mommy this friday"
Napatingin ako sa papel na binigay niya bago ko ulit siya tignan
"So.. youre inviting me?""Yes! yung mga endless solstice nga eh naimbitahan ni mommy para magperform sa party, and oh! si rose nga pala inimbitahan ko na rin, she already said yes so im guessing you'll come too" bago pa ako tumutol ay tumakbo na siya papalayo pero huminto pa siya saglit at lumingon sakin, may nakalimutan pa atang sabihin
"Gaganapin pala yun sa isa sa mga island resort ni mama sa vigan so susunduin ko kayo sa madaling araw ng biyernes!"
Tuluyan na siyang tumakbo papalayo kaya wala rin akong nagawa kundi pumasok narin sa classroom namin
Okay narin to. para naman hindi matuloy yung binabalak nila tita alyssa sa sabado.
Pagkaupong pagkaupo ko sa upuan ko ay nahagip ng mata ko si alex na nasa kabilang dako ng room, nakatingin siya sakin kaya nagtataka ko siyang tinignan pabalik. himala, pumasok ngayong hapon.
Dumating rin yung teacher namin kaya umiwas rin siya ng tingin, tumingin narin ako sa harap at pinakinggan yung lesson.
~~~~~~~~~~
Mabilis na nagsitayuan yung mga kaklase ko at lumabas na, tapos na kase ang klase
Niligpit ko na rin yung gamit ko at lumabas na. susulpot kaya ngayon si rose? nagtampo kaya siya sakin?
Hinintay ko pa siya ng ilang minuto pero mukhang wala talaga siyang balak na magpakita ngayon.
"Kanina kapa diyan, sinong hinihintay mo?"
Napatalon ako sa gulat. lumingon ako kay alex
"Palagi ka nalang bang manggugulat?!"Nagkibit-balikat siya kaya napailing nalang ako
"Kanina ka paba diyan? bakit di kapa umuuwi?"Nagkibit-balikat ulit siya
"Malamang hinihintay ka"Napakurap ako, sumilay ang ngiti sa labi ko
"Bakit mo ako hinihintay? ihahatid mo ako?""Oo, ihahatid kita sa mental" hinila niya ang braso ko kaya napalakad ako ng wala sa oras
Binitawan niya rin ito ng masigurong sasama na ako sakanya
"Oo nga pala alex, sasama kaba sa vigan?""Oo"
"Pero paano yung mama mo? may mag aalaga ba sakany-- sorry" tinakpan ko ang bibig ko at yumuko
Hinintay ko ang sigaw niya pero diko inaasahang sasagutin niya ang tanong ko
"Shes alright. may nag aasikaso sakanya"Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad, pumantay ako sakanya
"Sorry talaga.. di na mauulit alex"Napabuntong hininga siya
"Its alright"Nilabas niya yung susi niya at pinatunog yung sasakyan niya
"Lets go, may pupuntahan pa ako"Ngumiti ako sakanya bago binuksan yung pinto at pumasok
Im so happy that hes finally learning to trust me. hindi man ganoon kahaba yung sinabi niya, but thats a good first step.
~~~~~~~~~~
"Thank you sa paghatid" tuluyan na akong bumaba
Ngumiti lang siya bago ko isinara yung pinto. naglakad na ako papasok ng gate.
Saan naman kaya siya pupunta ngayon? baka sa mga kabanda niya? magpe perform sila sa biyernes kaya malamang magpra practice talaga sila.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko na si daddy na nakatayo sa may couch habang mariin na nakatingin sakin
"Lorelei, lets talk"
BINABASA MO ANG
Let Me Hear Your Heartbeat
Ficção Adolescente"You can tell if a person is nervous, happy, excited, or heartbroken by their heartbeat. As for Lorelei, every time her heart beats faster, it doesn't mean that she's in love or anything like that. Her heart is telling her that she's sick, and she c...