Pagkasakay na pagkasakay niya sa loob ng kotse ay tinanong ko na agad siya, nagpanggap pa akong galit para lang maging effective ang pagpapanggap ko
"Anong problema mo? we were just having dinner"He started the engine without even saying anything, parang wala siyang narinig sa sinabi ko
"Kung ayaw mong magsalita, pwes bababa na ako, babalik ako doon"Hinawakan ko na yung handle ng pintuan, bubuksan ko na sana ito pero biglang gumalaw ang sasakyan, umandar ito kaya wala akong nagawa kundi ang bumusangot at sumiksik dito sa inuupuan ko. bumulong ako, sakto lang para marinig ni alex
"Ang ganda na kaya ng moment, ang sarap ng luto niya tas ang sarap pa niyang kasama"Mukhang naasar ko siya sa sinabi ko dahil sa biglang pagsulyap niya sakin, binigyan niya ako ng nakakatakot na tingin
"Sige ipagdiinan mo pa"Okay, sabi mo eh
"Hes so good at cooking, hindi kagaya nung isa jan na---!"Nabigla nalang ako nang bigla siyang magpreno, hinampas niya yung manibela at nagmura
"Stop it, bullshit! selos na selos na nga ako dito! are you not gonna stop?!"Napalunok nalang ako, bakit kahit alam kong galit na siya ay parang nasiyahan pa ako nung sinabi niyang nagseselos siya? shet, calm down heart
"Walang tayo diba? you said it yourself, walang naging tayo"Masakit yung sinabi niya kanina, it almost gave me a heart attack, kung di lang talaga dumating si jin kanina, baka nagmukmok na ako sa kwarto ko.
Akala ko talaga magso sorry siya sa sinabi niya kanina, pero iba yung sinabi niya
"Kaya pala lumalandi ka na sa iba dahil sinabi kong walang tayo, grabe lorelei, papalakpakan na ba kita?"Nanlabo ang paningin ko, parang sinaksak yung puso ko dahil sa sinabi niya
"Ganyan pala ang tingin mo sakin? kung di dahil kay jin, baka umiiyak na ako ngayon dahil sayo. bakit ganyan ka alex? ang sama mo.."Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan, kahit na madilim at hindi ko alam kung nasaan kami ay naglakad nalang ako papalayo. bakit ganun siya? pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto, alex called me
"Lorelei!"Hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad, saka lang ako napahinto nang mahawakan na ako ni alex sa braso at hinila. imbis na magpahila ay malakas kong inagaw ang kamay ko sakanya
"Leave me alone! i hate you!"Tinalikuran ko siya, handa na ulit na umalis, pero nahawakan niya ako sa braso bago pa ako makalakad. pinaharap niya ako sakanya
"Lorelei, lets go"Agad akong nagpupumiglas
"No! i dont want to be with you! b-babalik na ako kay jin! lalandiin ko na siya! tutal yan naman ang tingin mo sakin diba? malandi? diba galit ka rin sakin dahil aalis ako? pwes wag mo akong kausapin! iwasan mo ako kagaya nung ginawa mo kanina!"Hindi parin niya ako binibitawan, tahimik lang siya habang malalim na nakatitig sakin
"Alex.." mahina kong bulong
"Hindi na kami aalis.. hindi na ako aalis.. wala naman talaga akong balak na iwanan ka eh, but you.. ang dali mong mawalan ng pag asa alex.. ako nalang ba ang palaging matapang? palaging ako nalang ba ang lalaban?"Sa nanlalabong paningin ay tumingin ako sakanya, i could see guilt allover his face. inangat ko ang nanginginig kong kamay at mahina siyang sinampal
"Mahal kita alex kaya ginagawa ko ang lahat para maging maayos ka... para suportahan ka.. so.. so why dont you do that to me also? mahal mo ba talaga ako alex?"Pinunasan ko ang luha ko, tinanggal ko ang pagkakahawak niya saakin at naglakad pabalik, nilagpasan ko siya. sa bawat hakbang ko ay hinihintay ko siya, nagbabakasakaling pipigilan niya ako at hihingi siya ng tawad.. sasabihin niyang mahal niya ako..
Pero mukhang wala siyang balak.. nakapasok na ako sa sasakyan pero nakatayo parin siya doon, diko alam kung anong ginagawa niya. guilty kaya siya sa ginawa niya? well he should be.. pinaiyak niya yung babaeng mahal niya..
Ilang saglit lang ay sumunod narin siya, lutang siyang nagmaneho. pareho kaming hindi nagsalita. talaga bang wala siyang balak mag sorry? patatawarin ko naman siya eh... ganun ko siya kamahal..
Marupok na kung marupok. mahal ko eh.
Nakayuko ako buong byahe, saka lang ako nag angat ng tingin nung maramdaman ko ang pagtigil nang sasakyan, nung tumingala ako ay imbis na ang bahay namin ang nakita ko ay ang harap ng condominium kung saan siya nakatira. lumingon ako sakanya dahil sa pagtataka
"Bakit tayo tumigil dito?""Tss, labas" nauna siya lumabas, nag alanganin pa ako pero lumabas rin nung binuksan na ni alex yung pintuan
Hinawakan niya ako sa kamay at maingat na hinila, hindi na gaya kanina na mahigpit yung pagkakahawak niya sakin.
Sumakay kami sa elevator, kami lang yung nasa loob kaya diko alam kung maiilang ba ako o ano. bakit naman kasi ako maiilang? kasama ko pa nga siya kanina na kami lang na dalawa eh
Tumigil ang elevator at bumukas, dahil nakahawak parin si alex sa kamay ko ay madali nalang niya akong hinila palabas. tumigil kami sa harapan ng room 273, he insert the password, may narinig akong nagclick bago nag unlock ang pintuan. binuksan ito ni alex, pumasok kaming dalawa bago niya isinara yung pintuan. as usual, yung loob ng condo niya ay malinis at maayos.
"Ano bang ginagawa ko dito? may ibibigay ka ba sakin? may naiwan ba ako dito?"Hindi siya sumagot, dinala niya ako sa loob ng kwarto niya. napakurap ako, anong gagawin namin?
"H-huy, magsalita ka.. im still mad at you alex, magsalita kana habang wala pa akong balak na umalis"Tumingin lang siya sakin. naaasar na ako sa lalakeng to!
"Alex ano ba! kung wala kang----!"Nagulat nalang ako nang bigla siyang humiga at hinila niya ako, kaya ang ending, napahiga ako sa bisig niya. hindi ako nakagalaw. tumitig siya sakin, maingat niyang tinanggal yung mga buhok na nakatabon sa mukha ko
"I.. im sorry lorelei.. im just so scared.. takot na takot ako na iiwan mo ako.. mahal na mahal kita lorelei, hindi ko kakayanin kung iiwan mo ako"
BINABASA MO ANG
Let Me Hear Your Heartbeat
Teen Fiction"You can tell if a person is nervous, happy, excited, or heartbroken by their heartbeat. As for Lorelei, every time her heart beats faster, it doesn't mean that she's in love or anything like that. Her heart is telling her that she's sick, and she c...