Chapter 4

119 6 0
                                    

Dahil sa nangyari ay agad agad kong pinuntahan si rose sa loob at umalis na

Ganun na ba talaga siya kagalit sakin para gawin niya yun? but he save me..

Baka... nadala lang talaga? Napailing ako. Ang weird niya..

Pati puso ko ang weird din

Makarating kami sa bahay ay agad akong nagbihis at humiga na

I stared at the ceiling

Paano kung magkita kami ulit sa school sa lunes?

Tanga, magkaklase kayo kaya papaanong di kayo magkikita?

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko, bahala na nga.

~~~~~~~~~~~

"Lorelei! gising na!"

I groaned, tinakpan ko ang mukha ko ng unan
"Youre so noisy, labas"

"Pero magsho shopping tayo ngayon! samahan mo akong bumili ng gamit ko" inagaw niya ang unan sa mukha ko at niyugyog
"Wake up!"

"Aish!" tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at tsaka umupo. i opened my eyes
"Gising na ako, kaya lumabas kana bago kita mapatay"

"But this is our hous---"

"Isa"

"On second thought, aalis na pala ako" kumaripas siya ng takbo sa pinto
"Hihintayin kita sa baba!"

Pagkasara ng pinto ay muli akong napahiga at napatingin sa phone ko

Its April 21...

My moms death anniversary..

~~~~~~~

"But mom!" ngumuso si rose kay tita alyssa

"No buts, alam mong di mahilig si lorelei sa mga shoppings or girly stuff kaya ako nalang ang sasama sayo" tumingin sakin si tita, may pinupunto ang mga tingin niya sakin
"As for you lorelei, have fun sa gagawin mo ngayon. you can borrow one of our cars if may pupuntahan ka"

May inilabas siyang susi sa bag niya at ibinigay ito sakin
"Thank you tita"

"Thats unfair! you never allowed me to drive"

"Paano kita papahiramin kung dimo alam mag drive?"

"B-but---"

Hinila na siya palabas ni tita, i waved them a goodbye bago ako ulit umakyat sa kwarto ko para kunin yung phone ko

I need some air

Napagdesisyunan kong lumabas at bumili ng rosas bago dumiretso sa burol ng mama ko

~~~~~~~~~~~

Inilagay ko ang rosas sa harap ng puntod ni mama tsaka umupo
"Ma.. m-miss na kita"

Pinunasan ko ang luhang naglandas sa pisngi ko tsaka pinilit na ngumiti
"Gaya ng pangako ko hindi na ako nag rebelde mama. naging mabuting studyante na po ako at tsaka nagkaroon na po ako ng kaibigan, si rose"

"N-next week na po ang birthday ko mama.. mage-18 na po ako kaya makakaalis na po ako sa puder ni papa" inilabas ko ang soju na dala dala ko tsaka ibinuhos ang kalahati sa lupa
"Okay lang po si daddy ngayon ma.. dont worry about him, n-nagbago na po siya.. palagi nalang po siyang sunod ng sunod sa kabit niya"

Tumulo ulit ang luha sa pisngi ko, di alam ni rose na death anniversary ngayon ni mama kaya ganun nalang siya kung umasta kanina.. ayokong mag open up..

"Kung sana hindi nagtaksil si daddy.. baka masaya pa tayo ngayon ma.."

Mabilis kong ipinasok ang kamay ko sa bulsa ng jacket ko tsaka mahigpit na hinawakan ang keychain na palagi kong dala dala

Let Me Hear Your HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon