Lorelei's POV
"Okay, that's all for today. Class dismissed."
Mabilis na nagligpit ang lahat. Niligpit ko na din ang mga gamit ko at lumabas na para makauwi.
Pagkalabas ko sa classroom, nakita ko si Rose na hinihintay ako. Nang makitang ako na ang lumabas, lumapit siya sa akin at ngumiti. Sabay kaming naglakad. "Alam mo, may ichi-chismis ako sa'yo!"
I glanced at her boredly. "Mukha ba akong chismosa, Rose?"
Sumimangot siya sa akin at mahinang sinampal ang braso ko. "Hoy, babae ka! Kahit na hindi ka chismosa, nakikinig ka pa rin naman sa mga sinasabi ko."
Para wala nang away, nakisabay na lang ako. "Oo na."
"Oh, 'di ba? Anyways, what I'm trying to say is—" Lumapit siya sa tenga ko at bumulong, "Kilala mo naman si Alex, 'di ba?"
Ah... yung Alexus na jerk, na opposite ang ugali sa pangalan niya. "Oh, bakit yung gagong 'yun?"
"Alam mo bang these past few days, palagi siyang lasing na pumapasok? Kaya mas dumami pa ang napapaiyak niyang babae."
I rolled my eyes. Lahat naman ng babaeng lalapit dun, kung hindi niya susungitan, pagti-tripan niya. Kahit gwapo, ang pangit naman ng ugali.
"Para daw siyang wasted na ano—heartbroken daw!" Lumayo siya at kumapit siya sa braso ko.
Napatawa ako. Si Alexus heartbroken? I might throw a party if that happens.
"Wasted na lang, Rose. 'Wag mo nang idagdag ang heartbroken. He's not capable of being heartbroken."Nakarating kami sa harapan ng gate ng school. Naaninag ko ang puting kotse na nakaparada sa harapan. "Oh, nandiyan na sundo mo, Rose."
Napatingin siya sa akin, may lungkot ang mata. "Sumabay ka na kaya? Pwede kang matulog ulit sa bahay."
"As much as I wanted to, I couldn't. 'Di pwede, Rose. You know that they won't let me."
Ngumiti ako ng bahagya. "Now go, naghihintay na sa'yo iyong driver mo."
"Sige, Lorelei. See you tomorrow." Tumakbo siya papunta sa pwesto ng kotse nila.
Lumingon siya sa akin at kumaway. "Call me if you need anything!"
Kumaway ako pabalik. "I will!"
Maya-maya pa, pumasok rin siya sa loob ng kotse kaya napagdesisyunan ko na ring maglakad. 'Di naman gaanong malayo ang bahay namin mula dito kaya nilalakad ko na lang minsan kesa sa mag-taxi. It's a waste of money.
Mahigpit kong hinawakan ang straps ng backpack ko. Pag talaga wala na si Rose, palaging ganito ang nangyayari, palaging tahimik kaya medyo kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
Marami naman sanang sasakyan at mga taong dumadaan pero bakit ganito pa rin ang pakiramdam ko?
I stopped dead on my tracks when I saw someone familiar entering a cafe.
Is that who I think it is? Kung minamalas ka nga naman.
Ano naman ang gagawin ng isang Alexus Monteverde sa isang coffee shop? At tsaka bakit ganun? Bakit ang lungkot ng mukha niya?
Rose is right... mukha siyang heartbroken—este, wasted.
I got curious, so without thinking twice, I entered the cafe. Thoughts kept circling in my head. Is he being cheated on? Ngumiwi ako. 'Wag na lang akong mag-isip, nakakapanindig-balahibo.
Nahagilap ko siyang naglakad ng mabilis papunta sa isang table. This time his eyes are burning with rage.
In just a mere second, he grabbed the man who was looking at him wide-eyed and punched him. Napamura ako.
Nagulat ang lahat at nagsitayuan habang ako dito ay napahinto na sa kinatatayuan ko. Gulat na tumingin ang babaeng kasama ng lalake kanina kay Alex. "A-Alex! What are you doing here?"
Parang walang narinig si Alex, kinuwelyuhan niya ang nakabulagtang lalake. "You monster! Sinira mo na nga ang buhay namin ni Mama, nambababae ka pa!"
Sinuntok niya ulit ito. "Nabaliw si Mama dahil sa'yo! Naghihirap kami habang ikaw nandito ka sa babae mo at nagpapakasarap! You piece of trash, I'll kill you!"
I stand there, silent.Papa niya ang sinusuntok niya! Gusto kong tumulong sa pag-awat, but I can see tears forming in Alexus' eyes. I can't stop a man looking like that. Besides, hindi nga niya ako kilala kaya bakit ako manghihimasok? Ang kapal naman ng mukha ko pag ganun.
Ilang minuto lang ay may dalawang security guard ang pumasok at pinigilan si Alex, nagpupumiglas siya. "Let me go! I'm not done with him!"
His eyes were locked on the man's bleeding face, then he stopped moving. Breathing heavily like he just ran. "Fine, I'll leave."
They let him go. Para siyang lasing na naglakad palabas, muntik pa ngang masira ang pintuan sa lakas ng pagkakasara niya dito.
Lumapit ang babae doon sa papa ni Alex at umiyak ito habang pinupunasan ang dugo sa mukha ng lalake.
Lutang akong umalis, di makapaniwala sa nasaksihan ko. I guess that's why he's like that to girls who like him. I judged him too easily. I felt a little guilty. Wala sa sarili akong pumasok sa bahay. Hindi pa ako tuluyang nakapasok pero isang malakas na sampal na agad ang bumungad sa akin.
Tumagilid ang ulo ko dahil sa lakas ng impact. "Ikaw na bata ka! Saan ka na naman nagtungo?! You're late!"
Tinignan ko ang magaling na girlfriend ni Daddy, galit na galit habang nakapamewang sa harapan ko. Lalagpasan ko na sana siya pero mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at pwersahang pinaharap sa kanya.
"Huwag mo akong tatalikuran kung kinakausap pa kita! Ganyan ba kita pinalaki, ha?!"I smirked. The audacity of this woman. "Hindi ikaw ang nagpalaki sa akin."
Ngumiwi ako dahil mas lalo niyang hinigpitan ang kamay niya sa braso ko. Ramdam na ramdam ko ang kuko niyang bumabakat sa kutis ko. "Okay, that's it! You're grounded! Hindi ka pwedeng makipagkita sa walang kwentang kaibigan mo at wala kang allowance sa isang buwan!"
That made me snap. Itinulak ko siya ng sobrang lakas kaya nabitawan niya ako. Napaupo siya sa sahig. "You don't have the right in this house. Girlfriend ka lang, anak ako. And don't you ever call my friend like that again."
"Lorelei?!" Narinig ko ang yabag ng aking ama na pababa sa hagdan.
"Henry!!"
Nilagpasan ako ni Daddy at tinulungang tumayo ang girlfriend niya. Kumapit sa braso niya si Erin at dumaing, may pahikbi-hikbi pang nalalaman. "Tignan mo ang ginawa sa akin ng anak mo, Henry! I was only telling her to behave!"
Tumawa ako. "That's an amazing speech, Erin. You should probably start acting as a career."
"Lorelei? What's happening to you?!" Galit na galit akong sinigawan ng aking ama. "Pinalaki ba kitang ganyan?! Sumasama na ang ugali mo! Is this what that friend of yours is influencing you with?"
Nangilid ang luha ko. "You don't know her, Dad. 'Di pa ba halatang kayong dalawa ang dahilan kung bakit ganito ako? Kayo ng kabit mo!"
Mabilis na nakalapit sa akin si Daddy, itinaas niya ang kamay niya. Handa siyang saktan ako dahil lang sa kabit niya. "Sige, saktan mo ako! Saktan mo ang sarili mong anak dahil lang diyan sa kabit mong 'yan!"
Unti-unti niyang ibinaba ang kamay niya. His eyes were conflicted. "Go to your room, Lorelei. Now!"
Pinunasan ko ang luhang naglandas sa pisngi ko at tumalikod.
He's the worst...
BINABASA MO ANG
Let Me Hear Your Heartbeat
Ficțiune adolescenți"You can tell if a person is nervous, happy, excited, or heartbroken by their heartbeat. As for Lorelei, every time her heart beats faster, it doesn't mean that she's in love or anything like that. Her heart is telling her that she's sick, and she c...