Sabado..
Sabado na at birthday ko ngayon..
Kakagising ko lang, medyo masakit yung ulo ko dahil sa beer na ininom ko at dahil narin uminom pa ako nung hindi ako makatulog. doon kase sa nangyari ehh.. napatagay tuloy ako ng wala sa oras..
Pagkatapos kong magbrush, mag hilamos at magsuklay ay lumabas rin naman ako ng kwarto. dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. pagdating ko doon ay nadatnan ko sina laureen at rose na nagkakape habang nag uusap sila. nang makita nila ako ay sabay silang napangiti sabay sabing ng 'happy birthday!' saakin.
May inilabas silang cake sa ref. at masaya nila itong inilapag sa lamesa
"Rose told me that you dont want a debut for your birthday so we just bake instead, hope you like it"Napangiti ako
"Thank you""Di ka galit?" medyo may halong takot sa boses ni rose nung magtanong siya sakin
Kahit hindi ko gustong mag debut sa birthday ko ay gusto ko rin naman na igreet nila ako. lumapit ako sa kanila
"Why would i?"Kumuha ako ng konting icing sa gilid ng cake at tinikman ito. inantay nilang dalawa yung reaksyon ko.
Parang may mali... tuminging ako ng mabuti doon sa cake hanggang sa may mahalata ako
"What did you put in this cake?"Nagkatinginan silang dalawa
"Ahmm.. strawberry?"Napangiti na ako
"I love strawberries!"Mukhang naginhawaan sila dahil sa sagot ko. kumuha ako ng plato at kumuha ng cake. yung plano kong mag kape ay nawala na. umupo ako sa harapan nila at sumubo
"Asan pala yung mga iba?""Ahhh.." hindi agad sila nakasagot kaya nagtaka ako
"Bakit? may problema ba? asan sila?"
"Hehe, lumabas ata sila para magswimming, ang init daw kase eh"
"Okay.." nagkibit-balikat na lamang ako at muling sumubo
I love this cake.. baka pag uwi ko, dadaan muna ako sa cake shop para bumili ng strawberry cake.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na muna yung pinagkainan ko bago naligo. gusto kong pumunta ngayon sa kabilang isla, hindi para mag emote kundi para tignan kung may pwede akong ipa-renovate o ipagawa na bagong bahay o cottage, basta gusto kong buhayin ulit yung islang yun. that island is the only reason kung bakit gusto kong kunin yung mga pera na ipinaman saakin ni mama. gusto kong maipasa na saakin yung isla..
Bakit tong mga damit na to?! kinalkal ko yung loob ng bag ko, puro mga shorts at crop top na yung nandun, wala na yung mga jeans at tshirt na inilagay ko. saktong pumasok si laureen kaya nagtanong na ako
"Laureen! asan na yung mga damit ko? this is not mine!"Ngumiti siya sakin
"Itinago ko yung mga damit na dinala mo at pinalitan ng bago, dont worry ibabalik ko lang rin naman siya sayo pagkatapos"Magsasalita pa sana ako pero nag peace sign na siya bago lumabas.
Haystt.. bakit ba palaging ako nalang? laureen naman!
Lumabas ako sa kwarto at nakabusangot na nagtungo sa sala. nadatnan ko yung dalawa doon na nanonood ng tv. nung mapatingin sila sakin ay napangit si rose
"Sexy!"Mas lalo akong napabusangot, tong mga to ang hilig nilang guluhin tong buhay ko.
Dahil wala akong choice kanina ay pinili ko nalang yung violet na short na hindi gaanong maikli tsaka yung crop top na white na maayos tignan. yung iba kasi parang pag isusuot ko eh makikita na yung tyan ko.
BINABASA MO ANG
Let Me Hear Your Heartbeat
Teen Fiction"You can tell if a person is nervous, happy, excited, or heartbroken by their heartbeat. As for Lorelei, every time her heart beats faster, it doesn't mean that she's in love or anything like that. Her heart is telling her that she's sick, and she c...