Chapter 13

98 5 0
                                    

Uuwi na sana ako kanina, pero dahil nag alala ako na baka bigla siyang bumangon at pumunta ulit sa labas para ilabas yung hinanakit niya kaya i stayed.

Natulog ako sa guess room niya, well, sort of. pag kase may kahit konting ingay lang na naririnig ko ay agad akong nagigising, pupuntahan ko siya at titignan kung nandun pa siya at pag nasiguro kong mahimbing parin ang tulog niya ay doon lang talaga ako mapapanatag.

Ang ending.. eyebags..

For petes sake bakit ako ganito ka aware sa paligid ko? bakit ang oa ko?

Tss, who am i kidding? nag aalala lang talaga ako sakanya kaya ganito ako kung makabantay sakanya.

Si daddy yung gumising sakin pala kanina, kung di siya tumawag malamang nakatulog parin ako ngayon dahil sa puyat. he asks me kung nasaan ako kaya nagpalusot ako, sinabi kong may binili akong condo ko kaya doon ako natulog, hindi siya nagtanong kaya ibinaba ko na yung tawag. nag alala siguro siya sakin kanina nung nawala ako, he even wondered about the missing car. well technically, kailangan ko na ulit makitira kila tita alyssa mamayang hapon hanggang matapos yung birthday ko, hindi naman sa wala akong pambili ng sarili kong condo, may gusto lang talaga akong bilhin na lupain..

Nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto ng makakain naming dalawa. kagagaling ko nga lang sa grocery store dahil halos wala ng laman tong kusina niya. kaya bumili ako ng mga pagkain, at damit ko na rin dahil papasok pa ako sa school mamaya.

Pinuno ko yung ref. niya ng mga frozen foods at mga iba pang pagkain. anyway, im preparing omelette, dahil ito lang yung naiisip ko na lutuin ngayon, and im craving for omelette actually.

Nagtimpla narin ako ng kape para sa lasing na alex, at gamot para maibsan yung headache niya. diko lang alam kung kailan siya gigising, kung maaabutan pa niya ako dito o hindi na.

Its already 6:00 kaya pagkatapos kong ihanda yung breakfast namin, nauna na akong kumain bago naligo at nag-prepare. nagsusuklay ako noong lumabas si alex sa kwarto niya, thank god at nakadamit siyang lumabas.

Ayokong magkasala ulit tong mata ko.

Hawak hawak niya yung sentido niya habang naglalakad patungo sa counter ng kusina, di pa nga niya ako napansin dito sa couch eh dahil sa sakit siguro ng ulo niya.

Yan kase. uminom kapa ng beer, di naman pala kaya pero uminom parin, tss.

"Inumin mo yung gamot na inihanda ko jan, kumain ka na rin"

Napatingin siya sa direksyon ko, nakakunot yung noo niya nung makita kung sino yung nagsalita
"Ano na namang ginagawa mo dito?"

Ouch.

"Nakikikain?" nagkibit-balikat ako at nilagay sa bag ko yung suklay

Wondering how i got my bag and supplies? bumili ako kanina dahil hindi naman ako pwedeng umuwi. bakit kase naisipan ko pang bantayan yang alexus na yan?

Tumayo ako at nagtungo sa pwesto niya
"Okay ka lang?"

"Tss bakit ka andito? hindi mo na naman kinailangang bantayan ako, sana umuwi ka nalang nung naihatid mo ako dito"

Bakit na naman nagsu sungit saakin tong isang to? tinaasan ko siya ng kilay kahit na alam kong di siy nakatingin sakin
"Bakit sumungit ka na naman? anong nangyari? may kasalanan ba ako sayo?"

Di siya nagsalita, kumain lang siya na parang wala ako dito. napasimangot ako
"Alex---"

"May gusto ka ba kay jin?"

Nawala ang galit ko at napalitan ito ng pagtataka. bakit bigla bigla niya nalang inilabas yang topic na yan?
"Alex, ano bang klaseng tanong yan"

Tumingin siya sakin. napalunok ako, ang seryoso ng mukha niya
"Hindi. di ko siya gusto"

Napaiwas ako ng tingin, bakit kase ang seryoso niya? at kailan pa ako nailang ng ganito? hayst.

Walang ano anong kinuha ko yung kape na inihanda ko para sakanya at humigop doon. ibinalik ko rin naman ito sakanya
"Wag mo ng inumin kung nandidiri ka, gumawa ka nalang ng bago"

"No, its okay"

Napatingin ako sakanya. hindi na siya seryoso, mukhang good mood na nga ata eh.

Anyare sa isang to? hayy, mga lalake talaga ang hirap basahin.

Sinulyapan ko yung orasan bago napagdesisyunan na magpaalam na
"Alex, aalis na ako, may klase pa kase eh. kung may balak kang pumunta sa school, pumunta ka nalang mamayang tanghali pag wala ka ng hangover"

Nagmamadali kong isinuot yung sapatos ko at umalis na rin.

~~~~~~~~~~~~

"Lorelei excited na ako bukas!!" nagtatalon si rose sa kama ko at nagtitili
"Makakasama ko si chester!"

Kadarating lang namin kanina galing sa school. nandito kami ngayon sa kwarto ko kila tita alyssa, kakatapos lang mag empake ng gamit niya si rose kaya nandito na siya ngayon at pinapanood akong mag empake ng damit ko. dalawang araw lang naman kami doon sa vigan kaya backpack lang yung dadalhin ko. ewan ko lang dito kay rose, baka nagdala siya ng maleta.

"Kailan ka pa nagkagusto sa isa sa mga myembro ng endless solstice?" ikinarga ko yung last na damit na dadalhin ko bago ito isinara at inilagay sa ibabaw ng lamesa na katabi ng kama ko

"Ahmm, nung isang araw lang? nadatnan ko kase siyang mag isa doon sa practice room nila habang nag gi-guitara siya. ang galing niya grabe!"

"Rose, lahat naman sila magaling mag guitara" umupo ako doon sa gilid ng kama ko at inisip kung meron pa ba akong nakalimutan na dalhin

Toothbrush at toothpaste? check.
Mga susuotin ko? check.
Mga---

"Nakikinig ka ba lorelei?!" nakarating na pala si rose sa harapan ko. marahan niya akong niyugyog, at nagawa niya pang tumili

Tong babaeng to, kung kiligin parang uod na para binudburan ng asin, galaw ng galaw.

Nayayamot kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko
"Ano ba yun?"

"Ang sabi ko, papaano nalang pag nakatabi ko siya sa sasakyan bukas?! magiging heaven yun!" kinurot niya ako sa tagiliran, umupo na siya sa tabi ko habang kinikilig parin

"Anong balak mo? magtutulog-tulugan ka doon at sasandal ka kay chester ganun ba?"

Ngumisi siya sakin
"Parang ganun na nga"

Tss, tong babaeng to diko talaga minsan maintindihan.

Pero papaano pala kung makatabi ko si alex doon? mag aaway kaya ulit kami?

Nawala yun sa isip ko dahil sa biglang pagkurot ulit ni rose sa tagiliran ko, napahiyaw ako at masama siyang tinignan habang hinimas himas ko yung parte kung saan niya ako kinurot
"Ano na naman?!"

"Wala lang, mukhang lutang ka na naman kase eh" nag sorry siya habang nakangisi
"May tatanungin pala ako"

"Ano yun?"

"May namamagitan ba sainyo ni alex?"

Kung may pagkain lang sana akong nginunguya ngayon ay baka nabilaukan na sana ako
"Ano ba yang tanong na yan? walang namamagitan samin"

"Hmm, eh bakit kung makapag-react siya nung sinabi kong may gusto ka kay jin ay parang nagseselos siya?"

"H-ha?"

"Nag walk out panga siya eh, badtrip na badtrip."

Let Me Hear Your HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon