Kakatapos ko lang magbihis, kasama ko sina laureen at rose na kakabihis lang rin. nakaupo kami sa kanya kanya naming higaan nang biglang may kumatok sa pintuan. dahil pareho silang nagpupunas ng buhok nila, ako na mismo ang bumukas ng pintuan. si alex pala. tumingin siya sakin
"Tara?""Ha?" tanong ko
Hindi niya pinansin ang sagot ko at sumilip sa loob
"Wala ka nabang gagawin?"Kakatapos ko lang naman magsuklay ng buhok ko at wala na naman akong gagawin kaya tumango ako
"Bakit nga?"Di siya sumagot, bagkus ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatinaod
"Saan ba talaga tayo pupunta?""Did you forget about what i said a while ago?"
"Ano ba yung sinabi mo?"
"Na gusto kitang ma-solo"
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. ayan na naman siya sa mga salita niyang nakaka.... kilig? o nakakapanindig-balahibo?
"Nasosolo mo naman ako palagi ah?"
"Really?" lumingon siya sakin at ngumisi
"It felt like just minutes, gusto ko palagi kitang kasama""24/7?" natatawa kong tanong
"No"
Napasimangot ako pero agad ring nawala nang magsalita siya
"I want it for eternity"Napansin ko na dinala niya pala ako sa dalampasigan, papalubog na yung araw kaya napatitig nalang ako doon. kahit ilang beses ko ng makasaksi nang sunset, hindi parin mawala sakin ang mamangha at magandahan.
Umupo kami pareho ni alex sa buhangin. inakbayan niya ako
"Lets just stay like this"Sumandal ako sakanya at ngumiti. walang nagsalita saamin at inenjoy lang ang paglubog ng araw. i like this..
"Lorelei?"
"Hmm?"
"Dont leave me okay?"
Doon ako natauhan, naalala ko yung sinabi ni daddy sakin. should i tell him? mas sumiksik ako sakanya
"I wont"Because i dont want to leave. oo, gusto kong makasama si daddy at magsimula ulit ng mga alaala na kasama siya, pero hindi ko kayang iwan yung mga taong naging part na ng buhay ko, especially alex. hindi ko kayang iwan si alex.. pero diko rin alam kung kaya kong tumanggi sa offer ni daddy sakin...
~~~~~~~~~~~
Saka lang kami bumalik ni alex nung medyo madilim na. dumiretso kami doon sa may videoke room ng resort, may nirent ata silang videoke at bumili rin ata sila ng mga alak na iinomin namin?
Nang makarating na kami doon ay busy na silang umiinom habang si chase naman ay kumakanta
"Oh nandyan na pala ang dalawa! halina kayo!" binigyan kami ni chester ng tag isang baso ng alak
Umupo kami at pinanood si chase na birit na ng birit. mukha na siyang---
"Teka, lasing naba si chase?"Tumango si rose
"Oo! ang dali niya palang malasing eh! sabi kasi ni laureen bayaan raw namin uminom kaya ayan nalasing"Pasimuno talaga si laureen sa mga kalokohan. kailan kaya siya magtitino?
Natapos lang talaga siyang kumanta nung pinatigil na siya. ang tagal tagal na kasi niyang kumakanta, kahit na nawawalan na siya ng boses, itinutuloy parin niya.
Kinuha ni laureen yung mike nung may kanta na namang nagplay
"Dahil hindi ako tinatamad ngayon, then im gonna sing"Its you by Ali Gatie yung kakantahin niya.
BINABASA MO ANG
Let Me Hear Your Heartbeat
Novela Juvenil"You can tell if a person is nervous, happy, excited, or heartbroken by their heartbeat. As for Lorelei, every time her heart beats faster, it doesn't mean that she's in love or anything like that. Her heart is telling her that she's sick, and she c...