Kabanata 5

63 2 0
                                    

Nakikita ko na ang malaking gate ng aming Plantation. Pagkarating ay nagpark muna kami sa may gilid saka kami bumaba ng sasakyan. Pagkapasok palang ay maaamoy na ang samu't saring mga bulaklak. Ang Plantation namin sinimulan ng nanay ng aking lola na ipinasa kila Mommy. Dito naka locate sa laguna dahil mas mapagtutuunan nila lola ang pamamahala rito.

"This is are Plantation" masayang sabi ko kay Shawn na nakatingin lang duon. Ngumiti sya sakin at nagsimula na kaming maglakad palapit sa mga bulaklak.

"Do you know the specific meaning of flowers?" he asked. Tinignan ko naman sya. Nakaluhod na sya habang hinahawakan ang white rose sa bungad ng Plantation.

"Of course! A thoughful gift. It's a gift that everybody loves without meaning."

"Really," Tumayo na sya at naglakad lakad para makita pa ang ibang bulaklak.
Nakasunod lang ako sa kanya then he stopped suddenly kaya nabangga ako sa malapad nyang likod. Sinimangutan ko sya pagkaharap nya.

"Eh, eto. Ano ang bulaklak na may dalawang labi?"

"Ano?" pagsasakay ko sa trip nya.

"Edi... Tulips!" Tumawa sya sa sariling joke. Self support sya eh.

"Tulips,"I mocked him. He stopped laughing, saka ko hinila sa papasok sa mga bulaklak kung saan walang makakakita. "Anong binabalak mo?"

"Tulips pala ha! I'll give you tulips" with his playful smile. Sasagot na sana ako ng tumitig sya sakin.

Tumitig naman ako sa mga mata nya. Mga matang para kang hinihigop sa kaibuturan nito na kapag tinignan mo ng matagalan ay unti unti kang malulunod at hindi na makakaahon pa. Napapikit ako ng unti unti syang lumalapit sa mukha ko ng maramdaman ko ang mabango nyang hininga na amoy mint. At ang familiar scent nya. Magmumulat na sana akong ng maramdaman ko ang paglalapat ng aming mga labi...

Para akong lumipad sa ulap ng maramdamang gumalaw ang mga labi nya dahan dahan at banayad. I can't almost breathe sa sobrang kaba.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Bumitiw kami sa isa't isa ng maubusan ako ng hininga. Minulat ko muli ang mata ko at nakatingin parin sya sakin. I look away to ease my nervousness. Hinawakan nya ako muli sa mukha at pilit inihaharap sa kanya ang mukha ko. Nang magtama ulit ang mata namin duon ko napagtanto kung bakit ganito ang pakiramdam ko...

Hindi ako pwedeng magkamali, gantong ganto ang nararamdaman ko nuong araw na aksidenteng nahalikan ko ang isang estranghero sa parke sa San Rafael.

"Hey... Are you ok?"

"Did you..." hindi ko matuloy dahil may ex na sya imposibleng hindi pa sya nakakahalik unlike me isang estrangherong nagnakaw ng first kiss ko.

"Say it...,"

"Did you ever go to the park near the school? Uhm...nung first day of school? Mga 8 pm?"

"Mm... How did you know?"

"A-anong nangyari nung nandoon ka?"

"Actually, makikipagkita sana ako kay Ethan pero hindi sumipot ang gago. Aalis na sana ako ng may bumunggo saking babae hanggang sa matumba kami at hindi sinasadyang..." he look away at hindi na tinuloy yung sinasabi.

Ibig sabihin sya yun? All this time sya yung estrangherong nagnakaw ng halik sakin.

"Ikaw yung nagnakaw ng first kiss ko?" pagaakusa ko.

"Sandali ikaw yung babaeng yun? Bakit nanduon ka nang ganung oras?" balik na tanong nya.. Getting confused. Napanguso tuloy ako saka lumapit sa kanya at niyakap, sinubsob ko naman ang mukha ko sa dibdib nya bago nagsalita.

The Life Note At A Time Where stories live. Discover now