Pagkagising ko ay agad akong nagtungo sa banyo para maligo. Nakapikit parin ako habang naliligo na para bang antok na antok dahil hindi ako nakatulog kagabi. Agad kong pinilig ang ulo at mabilis na lamang tinapos ang paliligo saka nagbihis ng uniform. Ang aking uniform ay white long sleeve with beige mini skirt and necktie tapos ang sock ay mababa lang tapos ang sapatos naman ay may kaunting takong.
Bumaba nako ng masiguradong ayos ang aking itsura. Pagdating sa dinning area ay nakita ko agad sila mommy't daddy at si Jack. Nakangiti ko silang sinalubong ng halik saka naupo sa silya. Ang pwesto namin ay si dad sa pasimano at sa kaliwa nito si mommy sa kanan naman ay si Jack at ako.
"Good Morning" masayang bati ko.
"Mm.. Mukhang good mood ka ija" sabi ni mommy na nakangiti. Nginitian ko rin sya at nagsimula na kaming kumain. Kinalabit naman ako ni Jack ng malapit na akong matapos, ay nilingon ko naman agad sya ng nagtataka. Lumapit sya sa tainga ko at bumulong.
"Nakita kita ate, sa park kahapon" nagulat naman ako ng maalala ang masamang ng nangyari kahapon ang first kiss ko... Naalala ko nuon ay naitanong ko kay mommy kung bakit Jack ang pinangalan sa kapatid ko ang sabi nya lang ay para match kami Jack and Jill daw. Napangiti nalang ako sa isiping yon.
Nang matapos magbreakfast ay napagpasyahang ko ng pumasok sa school. Mabuti nalang at hindi na nagtanong pa sila mommy kung bakit ako ginabi kahapon. Pagdating sa school ay dumeresto na ako sa room namin kaso nilibot ko na ng tingin ang buong silid wala pa si Mitch. Umupo na lamang ako sa silya katabi nya saka sya hinintay. Ngunit wala pa mang limang minutos ay dumating sya na animo'y kinkilig pa.
"Anong tingin yan?" tanong ko na natatawa pa ng makaupo sya sa sariling silya.
"Eh kasi, friend nakita ko si Shawn kanina papasok, actually paakyat na sya sa floor nila nung maabutan ko sya" sabi nya habang tinutukso ako. Tama kayo ng dinig si Shawn Austin Enrique Senior highschool mas matanda sakin ng one year actually nakilala ko sya nung first year ako at second naman sya naalala ko nung una ko syang makita.
(Flashback...)
[First year high*]
Nagmamadali akong pumasok dahil ito ang unang taon ng pagiging highschool. Kaya tumakbo ako sa nasabing room pero habang naglalakad ako paakyat sa hagdanan may nakasalubong akong gwapo. Akala ko tumigil na yung mundo sa isang segundong yun ay para akong nasa ulap. At ngayon ko lang nasabi sa sarili ko ang una kong pag-ibig.
Nakangiti akong tumuloy papunta sa classroom. Ngunit nawala yun ng mapansing wala ng bakanteng silya sa harap, gitna, at sa dulong row. Nalungkot naman ako pero may lumapit naman saking babae. Ang ganda nya mala anghel ang itsura.
"Hi! I'm Mitchell Laverde" nakingiti nitong sambit.
"Hello..Gill Samuel" nakangiti ko ring sambit.
"Halika kumuha tayo ng upuan sa baba, marami daw duon. Hindi yata nila alam na madaming estudyante kaya hindi napaghandaan ang mga silya" sabi nito at saka ako hinila palabas ng room.
YOU ARE READING
The Life Note At A Time
Teen FictionHe didn't know that I existed. He didn't know my name. Or even my face. But here I am still staring at him from afar. I didn't know that love at first sight are real. But for me I've been falling for him at love at first sight. Thinking of You Writ...