It's been a week, since nagkausap kami ni Shawn sa parke. Nung araw na yun hindi mapawi ang kilig na nadarama ko. Syempre pinagalitan ako ni Mommy kung bakit ko daw pinabayaan si Jack, ang sabi ko lang ay nagulat rin ako na nandun sya at nakikipaglaro. Madalas kasi ay hindi pinapayagan si Jack na lumabas ng school hanggat wala ang service dahil nga nakakatanggap ng death threats sila daddy. Bale magkaiba kaming plot ng building ni Jack same school but different place ang mga elementary.
Araw araw pumupunga ako sa parke, nagbabaka sakaling makita sya ulit pero hindi na naulit dahil busy na ang ang mga SH sa Acads.
Heto ako, nakapangalumbaba habang nakatingin sa may bintana ang seat ko ay sa may bandang dulo sa kanan nakatabi sa bintana kung saan makikita ang hallway. Nakatulala lang ako ng magsalita si Mitch.
"Mayroon ka bang hindi sinasabi sa 'kin" medyo malungkot ang tono ng pananalita nya. Kaya naman nabahala ako bigla. Actually simula nung encounter ko mula sa estranghero hanggang sa pag uusap namin ni Shawn ay hindi ko pa naikekwento sa kanya.
Sakto naman dumating yung third subject namin which is Mathematics. Lumapit ako kay Mitch ng bahagya habang nakayuko at saka bumulong.
"Mamaya sasabihin ko" sabi ko para hindi sya mag alala.
Nakinig lang kami as usual, walang bago. Nagdismiss na agad ang klase para mag lunch.
"Sa garden na tayo maglunch, pero bili muna tayo sa Canteen" Nakangiti kong sabi. At hinatak nya nalang ako ng basta.
"Ano ba friend diet kaba?" Tanong sakin ni Mitch nandito na kami sa counter ng Canteen at umuorder.
"Wala lang akong gana" Sabi ko pagkadating ng inorder ko saka nagbayad. Ang inorder ko lang kase ay spaghetti, fries at coke in can. Kay Mitch naman Meal set.
Naglalakad na kami papuntang garden, medyo malayo duon dahil sa likod pa sya ng parking. Pagkadating ay walang masyadong tao, siguro naglunch out yubg iba i guess.
Ang mini garden dito ay actually malaki tinawag lang syang mini dahil tago sya sa school hindi madalas puntahan pwera sa mga nagmo MOMOL. May malaking puno sa gitna nito ng mangga tapos may mga benches, table na sementado pati upuan, parang pang picnic ba, at meron ring swing sa may dulo.
Naupo na kami ni Mitch sa may cemented table and chair malapit sa puno para malilim. Medyo mainit kasi ang panahon ngayon.
Habang kumakain ay yun na nga at ikwinento ko sa kanya mula nung first day hanggang sa magkausap kami ni Shawn.
"O my god!" she exclaimed. Nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw nya.
"Wag ka ngang maingay baka may makarinig sa 'tin, ano ba?
"Hindi mo ba naisip, kung bakit nanduon si Shawn sa swing na inupuan mo mismo sa accident kiss mo with someone. Tapos bigla biglang magpapakilala?"
"Ang natatandaan ko nung gabing yun mga around 8 na ako nakauwi kaya masyadong madilim, hindi ko rin naaninag masyado yung itsura nun"
"Bakit?"
"Anong bakit? Sa hindi ko nakita eh"
"What if si Shawn pala yun at napadaan lang sa parke nung gabing yun? What do you think?"
"Posible, pero wala naman tayong proof nuh! Let's not conclude things."
After ng paguusap na yun ay bumalik na kami sa classroom. Nasa third subject na kami which is History. We know naman na everyone hated History so do I. After ng klase ay nagmamadali kaming magligpit ng gamit ni Mitch ng pumunta sa harap ang kaklase namin si Joann ang pinakamaarte at feeling close sa lahat.
YOU ARE READING
The Life Note At A Time
Teen FictionHe didn't know that I existed. He didn't know my name. Or even my face. But here I am still staring at him from afar. I didn't know that love at first sight are real. But for me I've been falling for him at love at first sight. Thinking of You Writ...