Kabanata 20

42 2 0
                                    

"Marcus.." umiwas sya nang tingin pero hindi sya nagsalita kaya pinagpatuloy ko ang dapat kong sabihin. "Its not like its the first time that I got suitor but,"

I chuckled saka tumingin sa bahay saka tumingin sa kanya na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Hindi kita pipilitin, I'm just informing you." tumaas ang dalawang kilay ko getting amuse of his words.

"May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?"

"May dapat ba akong sabihin sa' yo?

"You know what? Lasing ka lang." bumaba na ako nang sasakyan saka pumasok sa bahay.

Kinabukasan. Na late ako sa school dahil nagka hang over pa ako pero good thing dahil hinatid ako ni Marcus sa school since same University lang kami.

"Alam mo, hindi mo na kailangan gawin ito." nakangiti kong sabi pagkababa ng kotse nya. Kinuha nya ang model kong building at sya na ang nagbitbit.

"Why? Ayaw mo ba? O baka naman may naaalala ka," he smiled to me. Nawala tuloy ang ngiti ko dahil sa sinabi nya. Kinuha ko ang model ko sa kamay nya saka nagmadaling naglakad papuntang building.

I felt awkward with him doing this stuff. It feels weird. Para akong bumalik getting to know each other stage. Hindi pwede itong ginagawang panliligaw nya dahil ayoko. Ayoko syang masaktan mas okay nang mag stay lang kaming friends. Masakit sa akin na makita syang nasasaktan dahil sa akin. At higit sa lahat ay wala akong intensyong manakit ng tao.

"Sorry," agad na sabi ko saka pinulot ang model ko. Mabuti nalang at hindi ito nasira. Tumayo ako at tumingin sa kanya dahil hindi parin sya umaalis sa harap ko.

"Gill, let's talk." umiling ako saka ngumiti na pinaparating sa kanya na okay lang ako.

"Late na ako," nagpatuloy ako sa paglalakad saka sya nilagpasan. My morning class went smooth.

Nagmamadali akong lumabas ng Campus saka sumakay ng bus. I was planning to eat lunch at the hospital. Para makasama ko sila Mommy at maiwasan ko narin si Marcus. Mahirap para sa akin dahil hussle ito at sayang ang pamasahe lalo na at kailangan kong magtipid.

Nakangiti akong pumasok sa room ni Jack. Niyakap ko si Mama saka lumapit kay Jack at umupo sa silyang katabi ng kama nito. Gising sya pero parang tulog parin sya dahil hindi sya makaupo ni hindi na nga sya makapgsalita ng maayos. Hinawakan ko ang mukha nya saka malungkot na ngumiti. I wished I could take all the pain he's going through.

"Malapit mo nang marinig kumanta si Ate." nakita kong medyo naliwanag ang mukha nya. He tried to smile.

"R-really?" masaya akong ngumiti sa kanya saka tumango.

"Kaya ngayon palang ay magrereserve na ako ng VIP seat sa harap para sa inyo ni Mommy," lumawak ang ngiti nya saka tumingin kay Mommy to asked if I was saying the truth. Tumingin ako kay Mommy at nakita kong ngumiti ito saka tumango. We ate silently saka ako nagpaalam na papasok pa ako.

I was lost in my thoughts when someone entered my room. It was Tita Jenny. Nandito ako ngayon sa kwarto ko dahil gabi na. Umupo sya sa gilid ng kama ko saka malungkot na ngumiti. I tried to hide my tears but I couldn't.

"Magpakatatag ka, Gill, ikaw nalang ang inaasahan ng iyong Ina." lumapit ako sa kanya saka umiyak sa balikat nya.

"Tita, sabihin mo sa akin na makakarating pa ang kapatid ko sa araw ng performance ko." bumitaw sya sa akin saka umiwas ng tingin. Tumingin ako sa kanya at nakitang dere deretsyong tumutulo ang mga luha nito.

"Hindi ko kaya, ayokong mawala ang kapatid ko. Kapatid ko yun eh, mahal ko yun, kadugo ko yun." sinubukan nya akong patahanin pero patuloy parin ako sa pag iyak.

The Life Note At A Time Where stories live. Discover now