Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nya marinig ang pag iyak ko. Binitiwan ko ang hawak nya sa kamay ko saka ako tumayo. Lumabas ako ng kwarto nya saka pumunta sa kitchen para kumuha ng maligamgam na tubig sa basin at bimpo.
Bumalik ako sa kwarto niya at nilagay ang basin sa side table ng kama. Bumuntong hininga ako saka sinimulan buksan ang butones ng dress shirt nya. Nanginginig ang kamay ko habang ginagawa iyon. Gusto ko syang yakapin pero bakit parang ang layo layo namin sa isa't isa gayong nasa harap ko lang naman sya.
Tinanggal ko na ang dress shirt nya saka pinunasan ng bimpo ang mukha nya to his neck down to his shoulder until it reach his stomach. I stop and stood up. I shouldn't doing this. Umiiling akong naglakad palabas ng condo nya saka sumakay sa lift pababa sa unit ko.
Pagkarating sa unit ay dumeretso ako sa kwarto ni Mitch at nakitang mahimbing itong natutulog. Ngumiti ako ng mapait. Wala akong dapat sisihin sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit sila nag break ni Tony pero kung hindi ako pumunta kanina sa Bar, tatawag parin ba si Lovely sa akin para sabihin na kasama nya ang taong inaakala kong mahal rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Bumalik ako sa kwarto ko at basta nalang humiga sa kama at tumitig sa kisame trying to forget of what I heard earlier. Kung dapat ko ba itong paniwalaan.
Kinabukasan. Na late ako ng gising dahil nagdrama pa si Mitch nang gisingin ko sya. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa baywang ko saka sya pinagtaasan ng kilay.
"Tumayo ka na dyan. Hindi babalik si Tony sayo kung magmumukmok ka lang buong araw," ngumuso sya saka tumayo at pumasok sa bathroom. Napabuntong hininga nalang ako.
"Alis na'ko!" sigaw ko sa kanya saka lumabas ng kwarto nya. Kinuha ko ang bag ko sa couch saka lumabas ng unit. Nagdadasal ako na sana hindi ko makasabay si Shawn habang naghihintay ako sa lift. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala sya sa loob ng lift pagkabukas nito.
I bit my lower lip habang naglalakad palapit sa car ko. Lumingon lingon pa muna ako bago pinaandar ang sasakyan ko. Nakarating ako sa classroom nang hindi kami nagkikita. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at gusto ko muna syang iwasan. Maybe sa paraan na ito ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Nakinig lang ako sa buong morning class. At nagssketch sketch narin kapag walang masyadong ginagawa. Ngayon ay nandito kami sa room nina Ian at Iyah habang lunch. Nagpabili lang kami sa kaklase namin na kakain dito sa classroom ng lunch time. Paano ayaw akong iwan ng kambal dito habang nagdadrawing ako.
They keep nagging me why I don't want to go outside all of a sudden.
"Yung totoo, Anong nangyari girl?" ayan nanaman si Ian pang sampung tanong nya na yan. Tinigil ko ang pagdadrawing saka pinatong ang lapis sa desk ko.
"Its just... Uhm," hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang dumating yung classmate namin na dala ang pinabili namin.
"Thank you," sabi ko saka kumain. We ate silently until someone nocked on the door. Iyah stood up to see who's that. Nagaalala ang itsura ni Iyah nang bumalik sya at tumingin sakin. Tinigil ko ang pagkain ko at tumingin sa kanya.
"Nasa labas si Shawn." she said and plastered a small smile to me.
Uminom muna ako sa bottled water bago tumayo. Kinakabahan ako habang naglalakad palapit sa pinto. Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin. Nang malapit na ako sa may pinto ay huminto muna ako sa huminga ng malalim bago nagpatuloy.
I smiled to him pagkabukas ko ng pinto. May dala syang snacks at bottled water nang lumingon ako sa kamay nya. I bit my lower lip when he speak.
"Bakit hindi ka lumalabas?" nagaalalang tanong nya. Inabot nya sa akin ang dala nya kaya kinuha ko ito. Hinawakan nya ang baba ko at inangat ang ulo ko para makita nya ng maayos ang mukha ko.
YOU ARE READING
The Life Note At A Time
Teen FictionHe didn't know that I existed. He didn't know my name. Or even my face. But here I am still staring at him from afar. I didn't know that love at first sight are real. But for me I've been falling for him at love at first sight. Thinking of You Writ...