After that incident with my father, Bumalik na kami sa Manila. Shawn and I didn’t talk or saw each other because I'm busy with my org. staff.
Ngayon ay nagaayos ako ng gamit dito sa condo. It's 9 am in the morning. Pumasok na si Mitch sa Ateneo kaya mag isa nalang ako ngayon.
Dadaanan ako nila Ian at Iyah dahil kami ang magka group para sa plates na gagawin namin ngayon sa Cavite. We chose that City because their Parents are the one who holds the construction sites there.
I'm just wearing a navy blue shirt and maong pants along with white shoes. I don't want to look casual now because we're just going in the construction site.
My hair was in a half ponytail and just liptint on my face. I put my tumbler on my tote bag saka lumabas ng condo. I lock the door before I leave. Naglakad ako papuntang lift. My phone vibrates while I'm waiting for the next lift. I held my phone from my back pocket. It was Shawn.
From:Mine
Take care. My love.
I giggled. I was going to type my message to him when the lift opened. To my surprise he was inside the lift. I smiled to him and stand next to him. He put his arm around my waist to pull me close to him.
"Shawn, madaming tao." bulong ko sa kanya. Feeling ko ay kasing pula ko na ang kamatis sa hiya. Why would I said that. Its not like I'm conservative.
"Huwag mo silang pansinin," bulong nya sa tainga ko. "I miss you,"
Napalingon tuloy samin yung grupo ng babae sa harap namin. They probably heard Shawn. Dito sa condo ay iba't ibang Campus ang nakatira dito. Thank Goodness taga La salle ang mga kasama namin sa lift ngayon. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa baywang ko ng bumukas ang lift.
"Uh.. See you later." sabi ko pagkabukas ng lift. Lalabas na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.
"Take care," he said then look away. I nodded saka lumabas. Nauna akong bumaba dito sa Lobby at hindi sa parking dahil sa Lobby lang pinapatuloy ang visitors. Nakita ko ang kambal na nakaupo sa couch na nagcecellphone habang walang pakialam sa paligid. Agad silang ngumiti nang makita ako. I smiled to them.
"May dadaanan muna tayo," sabi ni Ian pagkasakay namin sa sasakyan nya. Nasa backseat ako ngayon at nasa shotgun seat naman si Iyah while si Ian ay nagdadrive
"Okay, saan?" I asked him. Tumingin sya sakin at bumalik rin sa kalsada ang tingin nya.
"Sa Katipunan, sasabay daw si Marcus."
"Bakit hindi nalang nya dalhin ang kotse nya?" tanong ni Iyah sa kapatid. Nakatingin lang ako sa kanila habang naguusap sila.
"Pinapasabay nila Mommy. Nagtext sakin." sabi ni Ian. Pumunta kami sa Condominium sa Katipunan. Huminto kami sa tapat ng isang lalaki. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Matangkad medyo moreno and well built din ang body nya plus gwapo pero mas gwapo ang babe ko.
Binuksan nya ang pinto sa gilid ko kung saan ako nakaupo kaya umusog ako habang nakaupo papunta sa left side.
"Hi," lumingon ako sa kanya na preskong nakaupo sa tabi ko. May space pa naman kami sa gitna kaya hindi kami ganun kalapit sa isa't isa.
"Hi," tugon ko. He chuckled and pushed his tongue on his mouth and look at my eyes.
"I'm Marcus, you are?" napataas ang kilay ko saka nagsmirk. I don't want to flirt right now dahil baka makarating kay Shawn. Instead of answering him ay sumandal ako sa backrest saka pumikit. Narinig kong tumikhim sya pero hindi ko na minulat ang mga mata ko at natulog nalang.
Thank god we arrived safe at the construction site. Pagkababa ay pumasok muna kami sa Malaking bahay sa tapat nito. Ang sabi ni Iyah ay bahay daw nila ito. It was big like our house in San Rafael. I smiled when their Parents greet us.
YOU ARE READING
The Life Note At A Time
Teen FictionHe didn't know that I existed. He didn't know my name. Or even my face. But here I am still staring at him from afar. I didn't know that love at first sight are real. But for me I've been falling for him at love at first sight. Thinking of You Writ...