Sometimes you will think ano ba ang worth mo? Am i worth it? May mga tanong na hindi masagot ng salita lamang. May mga tanong naman na hindi rin masagot ng gawa lamang.
And that way, I started to accept all the things that happens to me. They say that everything that happened and will happen is with reason. Siguro nga tama sila mga pagsubok lang lahat ng nangyari at masaya akong malagpasan ang mga iyon.
"Kompleto na ba lahat ng mga kailangan na gamit?" tanong ko kay Tony. Ako kasi ang kinuha nilang Architect para sa bahay nila ni Mitch. Ikakasal na kasi sila sa december kaya puspusan ang pagtatrabaho namin. Masaya ako para sa kanila. They find they're perfect match.
"May kulang pa na mga semento," sabi nya. Kumunot ang noo ko at magsasalita na sana ng unahan nya ako. "Don't worry, may tinawagan na akong maghahatid dito," he playfully said. I rolled my eyes on him kaya tumawa sya.
"Oh, lunes na lunes. Byernes santo na agad yang mukha mo." sabi ni Mitch pagkaupo ko. Dito sa San Rafael nila Mitch naisip magpatayo ng bahay dahil dito daw sila lumaki kaya gusto rin nila na kalakihan rin ng mga magiging anak nila ang lugar na ito.
"Ask, your husband." sabi ko saka binuklat ang magazine. Dala ko ito para makapili sila ng gusto nilang designs. Umupo sya sa harap ko.
"Husband to be, palang. Naku hindi kana nasanay." sabi nya saka lumapit kay Lexine. Napaka cute talaga ng anak nila.
"Tita Ganda, can I choose?" sabi nya saka tinuro ang magazine na hawak ko. Npangiti ako agad saka tumango. Hinayaan ko syang sabihin ang mga gusto nyang designs para sa room nya. She was just three years old and I can already see that she has a taste at picking colors and furniture.
"Mauna na kami, friend." paalam ni Mitch. We exchange kisses on the cheeks then I smiled to Lexine and wave my hand habang naglalakad sila ng Mommy nya pabalik sa sasakyan.
Matapos amg trahedyang iyon ay bumalik kami ni Mommy sa Laguna at duon ako nagpahinga hanggang sa makarecover ako. I had a traumatic post concussion syndrome. Kinailangan kong manatili roon para mapabilis ang aking recovery. Gladly I was back in normal after a year. Then I decided to apply in Laverde's Co. as an Architect.
My friends was shocked after I told them wgat happened to me. I'm still friends with Marcus and Sam as well with Ian and Iah. They never left me. They're always there while I'm lying on my bed and talking to me as if there's no tomorrow.
"Gill pasensya kana, Tumawag ang Mommy ni Mitch. May dinner daw kami." mabilis na sabi ni Tony. Bumuntong hininga ako saka tumango. "Thanks talaga, parating na pala yung pinahatid kong mga semento. Check mo nalang."
"Sige, Ingat!" ngumiti ako ng pilit ng makaalis sya. Why are they suddenly left me. Lumapit ako sa mga materyales saka tinignan isa isa. Nang makitang okay naman ang mga gamit ay naglakad lakad ako papunta sa mga kwarto.
Napangiti ako ng makitang maayos ang pagkakagawa rito. Lumabas ako mg master's bedroom saka bumaba. Nakita kong papadilim na kaya pinauwi ko na ang mga trabahador. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay para kuhanin ang aking mga gamit. Nakarinig ako ng busina sa labas kaya nagmadali akong iligpit ang aking mga gamit.
Iyon na siguro ang tinutukoy ni Tony na maghahatid ng mga semento. Masyado na syang late pero hindi ko na pinansin dahil malayo ang pinanggagalingan ng mga materyales na ginagamit namin dahil sa Manila pa ito.
Sinabit ko ang tote bag ko sa aking balikat saka binitbit ang aking mga gamit saka naglakad pero napahinto rin ng makita kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon.
Nagtataka ang aking mga matang nakatingin sa kanya. Napaatras ako ng humakbang sya palapit sa akin. Nakita ko syang lumingon sa kisame kaya biglang kumunot ang aking noo. Nagtataka. Ngunit napapikit ako ng hilahin nya ako palapit sa kanya at yakapin ng mahigpit kasabay ng pagbagsak ng bombilya sa kinatatayuan ko kanina.
YOU ARE READING
The Life Note At A Time
Teen FictionHe didn't know that I existed. He didn't know my name. Or even my face. But here I am still staring at him from afar. I didn't know that love at first sight are real. But for me I've been falling for him at love at first sight. Thinking of You Writ...