Kabanata 27

60 2 0
                                    

Tumayo si Marcus at hinawakan ang bewang ko para alalayan. Nakita kong tatayo sana si Shawn pero hindi nya ginagawa.

"She's drunk." Marcus said. Unti untimg bumibigat ang pakiramdam ko hanggang sa pumikit ang aking mga mata. Naramdman kong may bumuhat sa akin habang naglalakad ito.

Kinabukasan. Nagising ako ng namumugto ang aking mga mata. Lumingon ako sa kabilang kama pero wala na si Mitch. Agad akong bumangon at dumeretso sa banyo para maghilamos. Duon ko lang napansin na nakasando parin ako at cardigan.

Nagpalit ako ng knit top at denim shorts saka pumunta sa balcony. Nagsuot narin ako ng shades dahil maaga pa naman. Nakita ko sila Mitch na naghahabulan na akala mo ay nasa isang romance movie. Napangiti ako sa nakikita ko hanggang sa mapukaw ang tingin ko kay Shawn na mag isang nakaupo malapit sa dalampsigan.

Nawala ang ngiti ko nang lumingon sya sa gawi ko at magtama ang aming paningin. Naramdaman kong muling kumabog ang aking dibdib. Umiwas ako nang tingin saka tumalikod at bumalik sa loob. Ngayon ko lang natealize lahat ng sinabi ko kagabi. Paulit ulit kong sinampal sampal ang sarili ko dahil sa mga pinagsasabi ko.

Paano na ngayon? Hindi pa nga kami tuluyang nagkakaayos ay sinira ko nanaman. Napanguso tuloy ako habang naglalakad ng pabalik balik dahil sa kakaisip kung paano ko sya makakausap ng hindi nila nahahalata o nalalaman. What should I do?

Bumuntong hininga ako saka lumabas ng suit at dumeretso sa lift. I was thinking the same while the lift is going down to the lobby. Bumuga ako ng hangin habang dahan dahang naglalakad papuntang lobby.

Napapikit ako nang bumunggo ang mukha ko sa malapad na dibdib sa harapan. Dahan dahan akong lumayo at saka tumingala. To my surprised it was Shawn. We just made a brief eye contact then he turned his back to me and walked away. Once again ay bumuga ako ng hangin saka sya hinabol.

Pumunta ako sa harap nya pero hindi sya tumigil sa paglalakad kaya nagsalita ako habang naglalakad paurong dahil hindi sya tumutigil sa paglalakad.

"Look, Shawn. I don't want things to be bigger between us. I didn't mean it. And I'm sorry for what I've said last night. Please?" napasigaw ako ng bitbitin nya ako na parang sako saka nagpatuloy sa paglalakad. What the fudge. Baka may makakita sa amin. It can't be.

"Put. Me. Down. Now" matigas na sabi ko pagkarating sa isang kubo medyo malayo sa tinutuluyan naming hotel. Binaba nya ako sa kama kaya napahiga ako roon. Nanlaki ang mata ng tumalikod sya at lumabas kaya dali dali akong tumayo at pumunta sa may pintuan.

"Shawn, let's talk." sabi ko ng hindi ko mabuksan ang pinto. "Shawn please. Let me go,"

Para na akong maiiyak ng wala parin sumasagot. Kinuha ko ang phone ko sa pocket saka inopen ang instagram ko. Napahilamos ko ang aking mga palad sa mukha ko sa umupo sa kama. Ano nanaman kayang pakana ang gagawin nya. I take a picture with fierce face saka  nag myday.

Naglaro nalang ako ng games ng mabored ako. Nang maramdaman kong kumukulo na ang tyan ko ay tumayo ako saka naghanap ng pwedeng kainin pero wala. Itong kubo ay may isang kama lamang at vanity table. Gladly may pitcher sa vanity table kaya nagsalin ako ng tubig sa baso saka uminom.

Muntik ko nang mabuga ang iniinom kong tubig ng bigla iyon bumukas iniluwa niyon si Shawn na may dalang food na nakatupper ware pa. Nilapag nya iyon sa bed table at binuksan isa isa. Hindi ko sya pinansin saka ko kinalikot ang phone ko.

Tumaas ang kilay ko nang marinig ko syang tumawa ng mahina. Lumingon ako sa kanya saka mataray na naka tingin sa kanya.

"Apology accepted, but you'll stay here with me." seryosong anya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Seryoso ba sya? Sa lahat ng pwedeng lugar na magkasama kami ay dito pa. Not that na ayaw ko rito pero parang ganun narin. Naramdaman kong kumulo ulit ang tyan ko kaya hinampas ko sya ng unan ng tumawa sya pero nakailag agad sya.

The Life Note At A Time Where stories live. Discover now