Kabanata 30

63 1 0
                                    

"Bro, malapit na ako. Bilisan mo!" sigaw ko sa cellphone saka pinatay ang tawag. Nandito ako sa may park malapit sa school na pinag aaralan ko. Hindi pa yata sisipot ang ugok na yun.

Masyado ng madilim kaya binuksan ko ang flashlight ko habang naglalakad papunta sa park. Huminto ako sa paglalakad ng magtext si Ethan.

From:Ethan

Bro, sorry. Got a problem.

Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad. Humanda ka sakin bukas. Tatalikod na sana ako ng mahagip ng aking paningin ang isang babaeng mahimbing na natutulog sa swing.

Inilawan ko sya saka ko nalaman na nag aaral rin pala sya sa pinag aaralan kong school. Gumalaw sya kaya bigla kong napatay ang flashlight sa cellphone ko saka tintigan ang mahimbing na natutulog nyang mukha.

Napakaganda nya. Yun ang unang salita ang pumasok sa isip ko nang mapagmasdan ko sya. Dahan dahan nyang minulat ang mga mata nya kaya nagtago ako sa likod ng puno para hindi nya ako makita.

Kinusot kusot nya pa ang mga mata nya saka tumingin sa paligid. Tumayo sya ngunit nakita kong matutumba sya kaya lumapit ako upang saluhin sya kaya lang nagkamali ako ng apak sa lupa kaya sabay kaming tumumba.

Epic fail nanaman ako. Nagulat nalang ako ng bigla syang tumayo saka tumakbo na parang nakakita ng multo. Bumuntong hininga ako saka tumayo at pinagpag ang damit ko. I lick my lower lips saka naglakad pabalik sa bahay.

Pagkarating ay naririnig ko nanaman ang sigawan nila Mama at Daddy. Nilabas ko ang phone ko sa bulsa ko saka dere deretsong naglakad papuntang stairs.

"Akala ko ba may group project kayo?" tanong ni Dad. Lumingon ako sa kanila. My mom was already in the kitchen.

"Ethan has important things to do," yun lang sinabi ko saka umakyat sa taas saka pumasok sa kwarto ko. Hinubad ko ang damit ko saka binato sa sahig saka pumasok sa bathroom.

Kinabuksan. Maaga akong pumasok para hindi ko maabutan ang parents ko. Sumakay ako sa dating kotse ni Daddy. He wanted to buy me a new car but I insisted that this car is still working.

Dumaan ako sa bahay nila Jessy para sabay na kaming pumasok. Pero ang sabi ng Mommy nya ay kakaalis nya lang papuntang school ng makarating ako. Pagkarating sa school ay nakita ko syang naglalakad sa hallway kaya tumakbo ako papunta sa kanya saka kinuha ang bag nya para ako na ang magbitbit.

"Hey, wala man lang goodmorning? Or hi, dyan?" huminto sya sa paglalakad kaya huminto rin ako saka hinawakan ang kamay nya.

"Nasaan ka kahapon?" agad na tanong nya. Natigilan ako kaya bumitaw sya sa hawak ko pero hinawakan ko parin sya saka nagsalita.

"May little hang out lang kami nila Ethan." ngumuso sya saka tumalikod. "H-hey, hey. Look, I'm really sorry."

"Basta, huwag mo nang uulitin ah?" nagtatampong anya. Ngumiti ako saka hinalikan sya sa noo. Tumango ako at sabay kaming umakyat.

4th anniversary pala namin kahapon at nakalimutan ko yun dahil may taong nagbabantay kay Ethan. At gusto nyang malaman kung sino ang nag utos na sundan iyon. Isa kasing congressman ang tatay nya dito sa lugar namin kaya nakakatanggap sila ng death treats.

Kaso hindi sumipot si Ethan kahapon kaya hindi rin dumating ang lalaking panay ang sunod sa kanya. Ayaw nya namang sabihin namin sa mga pulis dahil lalo lang daw magkakagulo kapag nangyari iyon.

Isa pang problema ko ay yung babae kagabi sa park. Parang pamilyar. O baka nakasalubong ko na dito sa Campus pero hindi ko na matandaan at isa pa medyo madilim rin kagabi kaya hindi nya rin ako nakita.

The Life Note At A Time Where stories live. Discover now