"Oh! Hi.. Shawn" I pretend na nagulat pa kahit kanina ko pa alam na parating sya.
Ngumiti lang sya ng tipid."Hatid na kita" sabi nya at nilagpasan si Ethan.
"Hoy pre.. Ako hindi mo ihahatid?" nakanguso pa sya. Natawa ako sa inasal nya.
"Ulol! Ayan yung bahay mo." sabi ni Shawn at saka tinuro yung bahay sa likod ni Ethan. Duon nako lalo natawa hahaha. Epic ng mukha nya.
"Eto na pala sige pasok nako" sabi nya habang kinakamot yung batok. Pumasok nga sya sa gate nila at hindi na lumingon samin.
Awkward yun ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad kami papunta sa bahay.
"Uhm.. About kagabi.." sabay pa kaming lumingon sa isa't isa kaya agad akong napatingin sa baba. "Okay kana ba? I mean.. Hang over?" nahihiya kong sabi.
"Okay lang ako" yun lang ang sinabi nya hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Pasok ka muna" aya ko sa kanya pumasok na ako sa gate at nakasunod lang sya sakin hanggang makapasok sa bahay. Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Napalingon ako sa living room naka upo lang sya dun at nagcecellphone. Lumapit ako sa kanya dala ang baso ng tubig.
"Inom ka muna.. Pupuntahan ko lang si Manang sa likod para magpaluto ng breakfast" tatayo na sana ako ng pigilan nya ko.
"Ako na.. Ano bang gusto mo?"
"H-huh? Marunong kang magluto? Ako hindi eh... " naka pout kong sambit.
"Yeah..You should learn how to cook too." sabi nya at nauna pang pumunta sa kitchen. It's already 10:15 ng tumingin ako sa phone ko kaya naisip kong gawing lunch narin ang kakaining namin. Tinignan ko muna kung anong pwedeng iluto gusto ko sana ay beefsteak. Kumuha ako ng beef sa ref at nilagay sa chopping board.
"Beefsteak? Madali lang yan" sabi nya na may halong pagyayabang. Inirapan ko lang sya at tumango.
Nanonood lang ako sa gilid nya habang ginigisa ang bawang at sibuyas ng dumating si Manang nagtataka pa ang itsura nya.
"Oh.. Ijo bakit ikaw ang nagluluto?"
"Magpahinga muna po kayo Manang at patitikimin ko kayo ng aking specialty" natawa naman si Manang.
"O sya, sige at manonood muna ako sa sala.. Huwag kayong magulo at makasunog kayo dyan."
"Opo."sabay naming sabi.
"Akyat muna ko sa kwarto"
"Sige.. This will take less than hour to cooked" sabi nya habang busy sa paghihiwa.
Umakyat nako sa kwarto at dumeretso sa banyo para maligo nilalagkit nako dahil sa pawis kanina dahil medyo mainit ang panahon. Pagkatapos maligo ay nagsuot lang ulit ako ng blue dolphin shorts at white shirt.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang marinig ang boses nila Jack.
"Ate!" sabi nya at dali daling lumapit sakin para yakapin.
"Ay, sus akala mo'y isang taong hindi nagkita" singit ni Manang. Natawa naman kami.
"Are you feeling well?" agad na tanong ko.
Si Jack kasi ay may sakit na anemia kaya hindi namin sya masyadong pinapalabas last na yung one time sa parke at hindi na naulit dahil ako ang mananagot kapag may nangyaring masama sa kanya. I love my brother so much... Naalala ko noong pinagbubuntis sya ni Mommy I was in 5th grade in Elementary that time I was so happy that we will have a new baby pero naroon ang lungkot at inggit ng malaman na may sakit sya. Syempre bilang ate kailangan ko syang protektahan naging stable ang health nya habang lumalaki thank god at hindi pa bumabalik. Hindi ko kayang makitang nahihirapan sya. I adore him so much.

YOU ARE READING
The Life Note At A Time
Teen FictionHe didn't know that I existed. He didn't know my name. Or even my face. But here I am still staring at him from afar. I didn't know that love at first sight are real. But for me I've been falling for him at love at first sight. Thinking of You Writ...