Hinawakan ni Shawn ang kamay ko kaya lumingon ako sa kanya saka ngumiti. Alam kong ramdam nya ang kabang nararamdaman ko ngayon lalo na't malapit na kami sa Village ng bahay nila Daddy. Binigay sa akin ni Daddy ang address nila nuong magkausap kami habang nasa Singapore ako at nagtatrabaho sa coffee shop.
"Hihintayin nalang kita dito." sabi nya nang makarating kami sa tapat ng two storey na bahay. Hinawakan ko ang kamay nya kaya tumingin sya sa akin at sinalubong ang aking mga tingin.
"Sigurado ka ba?" pag aalala ko hinawakan nya ang mukha ko saka ngumiti.
"Ayos lang ako. Sige na at baka gabihin tayo." umiwas sya ng tingin kaya napapabuntong hininga akong tumango.
"Pero--" huminto ako sa pagsasalita ng dampian nya ng halik ang noo ko. Napapikit tuloy ako sa pagkabigla nagmulat ako ng mata nang maramdaman ko ang noo nya sa noo ko.
"Wala ng pero, pero." ngumiti ako sa kanya. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan saka bumaba. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay mukha na akong kamatis dahil sa kilig.
Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang doorbell ng bahay. Nandito kaya sila Joann. Kinakabahan man ay ngumiti ako ng bumungad sa akin ang babaeng hindi nalalayo sa age ni Mommy nang buksan nito ang gate.
"Ikaw na ba si Gill?" she said. I unconscious bit my lower lip and nod. She smiled to me. "Halika at pumasok sa bahay. Ikaw lang mag isa?"
"Uhm, opo." sumunod ako sa kanya papasok sa bahay. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng bahay. Hindi ganon kalakihan ang bahay pero sapat na iyon para sa kanila. Ngumiti ako nang may lumapit na napakacute na bata. Ang ganda naman nya. Kumunot ang noo nya saka ngumiti ng pagmasdan nya ng mabuti ang aking mukha.
"Hi, what's your name?" I asked. She look at her back probably thinking if her mom was there. Lumapit sya sa akin kaya bahagya akong yumuko para magpang abot ang aming mukha.
"My name is Mia," she politely said. "Who are you? Why are you here?" sunod sunod na tanong nya. Umayos ako ng tayo nang marinig kong magsalita ang Mommy nya.
"She's your sister, Call her Ate." kumunot ulit ang noo nya saka masamang tumingin sa akin kaya nagiwas ako ng tingin.
"No, Ate Jessy and Ate Joann are my sisters. Not her."
"Mia! Don't say that!" she started crying kaya hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Nagulat ako ng makita si Daddy sa tapat ng pinto kasama si Shawn.
"Kuya Shawn!" sigaw ni Mia saka tumakbo palapit kay Shawn saka yumakap sa binti nito. Hinawakan nya ang kamay ni Mia saka umupo para magpantay sila. "Kuya Shawn, Mommy said she's my sister is it true?"
Tumingin sa akin si Shawn at tumingin ulit kay Mia. I didn't know na may nakababata pa pala akong kapatid bukod kay Jack. Naramdaman kong mangilid ang luha sa mga mata ko kaya tumingala ako para hindi ito tumulo. It hurts me every time I remember his handsome face. I miss my brother so much.
"Yes, and she's here to talk to you. Aren't you glad that you're now have three sisters?" pakikipagusap nya kay Mia. Kung nandito siguro si Jack ay masaya syang makilala si Mia katulad ko. May mga bagay na hindi na dapat pinapalaki at may mga bagay rin na hindi na dapat nandadamay ng ibang tao.
Tumango si Mia saka lumapit sa akin kaya ngumiti ako saka yumuko para yakapin sya. "I'm sorry Ate,"
"You can call me Ate Gill." I said. Masaya akong nakipagusap sa kanila. Wala sila Joann at Jessy dahil may kanya kanya naraw silang bahay sa Cavite. Nang matapos magtanghalian ay bumalik kami sa Beach Resort. Naalala ko pang muntik nanaman umiyak si Mia bago kami umalis dahil ayaw nya kaming paalisin. Ang sabi naman ni Tita Alice na namimiss nyang makasama ang kanyang mga ate.
YOU ARE READING
The Life Note At A Time
Teen FictionHe didn't know that I existed. He didn't know my name. Or even my face. But here I am still staring at him from afar. I didn't know that love at first sight are real. But for me I've been falling for him at love at first sight. Thinking of You Writ...