"Shawn!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kinalulugaran nya. Naglalakad sya papunta sa parking area. Tumigil ako sa paglalakad at huminto sa harap nya. 10 meters away from him was so heartbreaking for me now.
Madilim ang mga mata nyang tumitig sa akin. Napapikit ako ng ibato nya ang hawak na beer papunta sa kinatatayuan ko. Puno ng kaba ang dibdib ko ng marinig iyong tumama sa pader na nasa likod ko. Duon na bumuhos ang kanina ko pang kinikimkim na mga luha.
Dahan dahan akong nagmulat at sinalubong ang kanyang ngayon ay malulungkot na mga mata. Sinubukan kong magsalita ngunit inunahan nya ako.
"I thought, we're back. Akala ko lang pala." sinipa nya yung buhangin saka naglakad palapit sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga ng hawakan nya ako sa magkabilang braso. "Ano? Kayo na ba? Sinagot mo sya?"
"No! Because I love you!" I shouted as tears are already flowing throught my face.
"Ah, kaya pala hindi mo masabi sa kanilang tayo na." sarkastikong anya.
"Shawn nasasaktan mo na ako," patuloy sa pagbuhos ang aking mga luha. Binitawan nya ako saka tumalikod. Narinig ko syang umiyak kaya lalo lamang akong humagulgol sa pag iyak.
"Sabihin mo naman sa 'kin kung ginagantihan mo ako, kasi Gill, kahit kailan hindi ka nawala sa puso't isip ko."
"No, no, no. Mahal na mahal kita Shawn. Pero," umiwas ako ng tingin nang maalala ko ang lahat lahat ng panlolokong ginawa nya limang taon na ang nakararaan.
"Gill, ilang beses akong nakiusap sayo. Pero ni minsan ba pinakinggan mo 'ko?" kitang kita ko kung gaano sya nasasaktan sa sitwasyon namin ngayon.
"Yun ang akala mo sa' ming mga babae. Na kapag nag sorry ka, okay na kami. Ngingiti na ulit kami." Naihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha saka nagsalita at tumitig sa kanya. "Hindi ganun kadaling kalimutan ang mga bagay, Shawn. Sana naisip mo yan, before you did that things, that will make you face the consequences."
"So, anong gusto mong sabihin? Na pagod kana? Na ayaw mo na? Gill, limang taon." napatutop ako sa kinatatayuan ko. "Limang taon kitang hinintay tapos. Eto, eto yung igaganti mo? Alam mo mas mabuti pang hindi kana bumalik pa dito. Dahil---"
Hindi ko na ma contain ang anu pang sasabihin nya kaya sinampal ko sya.
"Kung ganyan lang kababaw ang tingin mo sa akin. Siguro nga tama ka. Hindi na dapat ako bumalik pa dito. This talk is over. " tumalikod ako saka naglakad.
"O sige, dyan ka naman magaling diba? Ang umalis at iwan ako." sigaw nya. Pumikit ako saka kinalma ang sarili ko.
"Because, you lied to me. All I ever did was love you. But you never loved me back." lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang mga kamay nya at tumitig sa mga mata nya. "You just realize that you love me too. When I was about to leave. Kasi nasanay ka na palagi akong nandyan para sa'yo."
"Akala mo ba madali sa akin ang saktan ka? Na paniwalain sa mga bagay na hindi ako?" Umiwas sya ng tingin saka tumalikod. Naglakad sya papalapit sa sasakyan nya saka huminto at humarap ulit sa akin.
Naramdaman kong tumutulo nanaman ang aking mga luha. Lalo lamang akong humagulgol sa pagiyak ng marinig ang mga sinabi nya.
"Your right, I should face the consequence. Maybe, this is the right time for us to move on." tumalikod sya saka lumapit sa sariling sasakyan pero huminto rin ng magsalita ako.
"You can't do this," umiiyak kong sabi. Hindi sya lumingon at pumasok na lamang sa sariling sasakyan.
"Shawn, huwag naman ganito." lumapit ako sa sa kotse nya at kumatok sa salamin. He placed his palm to the window so, I put my palm too in her hand. "Shawn, please don't do this to me."

YOU ARE READING
The Life Note At A Time
Teen FictionHe didn't know that I existed. He didn't know my name. Or even my face. But here I am still staring at him from afar. I didn't know that love at first sight are real. But for me I've been falling for him at love at first sight. Thinking of You Writ...