Chapter 1

2K 49 0
                                    

"Hello mom, how are you?" -I asked my mom while lying down on my bed. I just feel so tired. I just came home from work and go directly to my bed without changing my clothes.

I had so much of this day. And my dad just called me to tell me that my mom is in the hospital right now. After I heard it from my dad. I decided to book a flight immediately to see my mom and look for her condition.

"Okay lang ako anak. You don't have to worry. Matigas lang talaga ang ulo ng daddy mo at kailangan pang ipaalan agad sa iyo at dalhin ako sa ospital." -she said weakly.

"Mom it doesn't looks like your good. Base on your voice. And mom alam mo naman na mas gusto kong malalaman agad sa inyo kesa sa ibang tao ko pa malaman."

"Giessele anak ayos lang nga ako. Huwag ka ng mag alala sa akin. Ikaw ang mag-ingat diyan nag-iisa ka lang walang mag aalaga sa iyo kapag nagkasakit ka." Concern na sabi nito.

"No mom. I insist. I'm flying back as early as I can. May tatapusin lang akong trabaho dito at magli-leave na ako." If my mom is stubborn. I'm more stubborn than her, and before she said something inunahan ko na siya. "And no buts mom. And besides I need a vacation."

Wala na din itong nagawa at hindi na nakipagtalo pa. Nakipag usap pa siya ng ilang minuto sa mga ito hanggang sa nagpaalam na siya sa mga ito na magpapahinga na. Isa siyang doctor sa isang hospital sa Seattle Washington.

Pagkagraduate nya ay nabigyan siya ng opportunity na magtrabaho abroad. Kahit hindi naman niya kailangang magtrabaho abroad ay pinili pa din niyang umalis. Kahit tutol ang mga magulang niya ay hindi din siya napigilan ng mga ito. Sobrang nag-aalala ang mga ito sa kanya. Lalo na ang kanyang ina dahil nag iisa lamang daw siyang anak ng mga ito.

Madami kasi siyang dahilan kaya pinili niyang umalis at magpakalayo pansamantala. Una na doon ay upang makalimot. Oo makalimot. Gusto niyang makalimutan ang taong labis na nagbigay ng sakit sa kanyang damdamin. At ipinangako niya sa sariling once na bumalik siya at may nararamdaman pa din siya dito at hindi pa din ito naiikasal ay aagawin niya ito pabalik. Or else babawiin niya ang kanya.

Never siyang nakipag communicate dito. Kahit gaano niya kagustong kumustahin ito ay hindi niya magawa dahil baka mabalewala lang ang kanyang desisyon. Baka basta na lamang siyang bumalik sa Pinas at agawin ito sa girlfriend nito na alam niyang nakakapag paligaya dito ng higit.

At sa loob ng tatlong taong pagtitiis niya na huwag kumustahin o makibalita man lang ng tungkol dito ay hindi pa din nagbabago ang nararamdaman niya para dito.

Matalik silang magkaibigan na halos mapagkamalan silang mag boyfriend na tinatawanan na lamang nila. Hindi sila halos mapaghiwalay na dalawa. Ngunit simula ng dumating ang babaeng yon. Doon na sila nag-simulang mag iwasan. Or should I say doon na siya simulang iniwasan ng bestfriend niya.

Dahil nagseselos daw ang girlfriend nito sa kanya. At dahil mahal niya ang kaibigan niya kahit masakit ay iniwasan niya ito. Third year college na sila noon ng magkaroon na ito ng seryosong idine-date na babae at iyon nga ay si Kate. Simula noon ay naging madalang na silang magkita at mag-usap. Hanggang sa may dumating nga siyang sulat galing America na inimbitahan siyang magtrabaho sa ospital.

***********

Mabilis niyang natapos ang mga trabaho niya at naipagbilin na din niya ang kanyang ibang pasyente sa isang doctor na kaibigan niya na kapareho niyang pinoy din.

"WELCOME home po Miss Gie." Salubong sa akin ni Mang Jose. Ang forever driver namin.

Magiliw akong ngumiti dito at iniabot ko na ang iba kong bagahe na dala. "Salamat po Mang Jose. Kumusta na po kayo?"

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon