GIESSELLE's POV
One week has passed. Pasakay nasila ni Johan ng eroplano pabalik ng pilipinas. Naibagahe na niya ang ibang gamit niya at mga libro.
Dadating yon in a month. Ang mga mahahalaga lang ang dinala niya.
Naging extra sweet na talaga sa kanya si Johan. Parang nagbalik ang Johan na kakilala at matalik na kaibigan dati.
Magkatabi lang sila sa waiting area habang busy ito sa pagkalikot sa cellphone nito na binili nito kahapon lamang dahil hindi pa daw nagrerelease sa pilipinas ng ganoong cellphone . Pareho sila ng kinuha nitong cellphone para daw magkatulad sila. Ibinili din nito ang kapatid nito.
Dahil mukhang wala pang balak si Johan na kausapin siya habang nakaakbay ang isang braso nito sa kanyang balikat ay inabala din niya ang kanyang sarili sa pag-facebook.
Ang dami na naman niyang notifications. Puro friend request and tagged pictures from Johan.
Nagulat pa siya ng pagkita niya sa kanyang tagged pictures ay puro stolen shots niya at karamihan ay mga kuha nilang dalawa ni Johan.
Napangiti siya ng wala sa sarili habang pinapanood ang mga pictures nila. Karamihan ay mga selfie pictures nila.
Yong mga stolen shots niya ay pagsala sa nakatingala siya, nakanganga, natutulog, pati sa hospital may kuha din siya habang nagchecheck up ng patient niya. May kuha din sa iba’t ibang lugar na pinuntahan nilang magkasama. Sa Space Needle na picture nila ang pinaka nagustuhan niya.
Yon yong picture na ikiniss siya nito sa cheeks habang nakatingin naman siya sa nagkukuha ng picture nila at nakangiti siya.
Sa lahat ng upload pictures na nakatag sa kanya ay iyon ang pinakamadaming likes at comment.
“Wow doc. Is he your boyfriend?” comment ng isa sa mga katrabaho niya dati sa ospital.
BINABASA MO ANG
She's Back (under major editing)
Roman d'amourGiesselle is a cardiologist. Umalis at nagpakalayo, nagpakadalubhasa at pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ng sutil niyang puso para sa kanyang matalik na kaibigan. Akala nya magaling siyang doktor ng puso ngunit sariling puso niya ay hindi niy...
