GIESSELLE’s POV
“Anak you need to eat.” Pamimilit koa sa anak ko na kumain na. Tatlong araw na kami sa ospital at sa tatlong araw na iyon ay hindi ito gaanong kumakain. Pahirapan pa ng pagkain.
At sa tatlong araw din na iyon ay hindi kami nagkikibuan at imikan ni Johan.
“Mom I don’t want to eat na.” tumalikod na ito sa kanya.
“Pero anak pang tatlong subo mo pa lang iyan.” Kaming dalawa lang ang magkasama sa hospital room nito dahil pinauwi ko na ang daddy nito.
Kaunting fracture lang ang inabot nito.
Buti na lang walang head injury na nangyari sa anak ko. Minor injury lamang daw. Kaunting galos at may pilay ang kaliwang braso nito. Kung lumala ang inabot ng anak ko ay hindi ko mapapatawad ang may gawa sa nangyari sa aking anak.
Hindi pa din ako pinapansin ng aking anak. Nalaman kasi nito na hindi ko pinapansin ang daddy nito dahil nagalit ako sa nangyari kay Jules. I know lahat ng magulang ayaw makitang nasasaktan ang mga anak nila.
“Okay anak if you eat more than ten I will call your dad and makikipagbati na ako sa kanya.” Hindi ko kayang tiisin ang anak ko.
Simula kasi ng malaman nito na nagalit ako sa daddy nito ay nagtampo na din ito sa akin. He said that it’s not his dad’s fault, and nobody’s fault. It’s just an accident according to my son.
Napalingon naman ito sa akin ng marinig ang sinabi ko. Tila biglang nagliwanag ang mnukha nito.
BINABASA MO ANG
She's Back (under major editing)
RomanceGiesselle is a cardiologist. Umalis at nagpakalayo, nagpakadalubhasa at pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ng sutil niyang puso para sa kanyang matalik na kaibigan. Akala nya magaling siyang doktor ng puso ngunit sariling puso niya ay hindi niy...