Chapter 25

727 32 0
                                    

GIESSELLE’s POV

“Manang, kayo na po ang bahala kay Jules ha. Basta nagkaproblema po tawagan nyo lang po ako o kaya si Johan kapag hindi nyo ako ma-contact.” Bilin ko kay manang.

Nagmamadali kasi ako, kasi may operation ako na naka-schedule ng eight ng gabi. Hindi ko na maaantay si Johan dahil kailangan two hourse before the operation ay nandoon na ako.

Nagtatrabaho na kasi ulit ako sa hospital. Ang daming mga ospital na nag-aagawan sa akin. Madaming tumawag ng malaman na nakabalik na ako sa Pilipinas.

Pinili ko na nga lang ang ospital nina Erick Maderaso dahil naging kaibigan ko din naman ito at nasanay na ako sa ospital ng mga ito. Okay din naman ang offer ng mga ito sa akin at tuloy din ang aking clinic. Kasama ko doon sa clinic ko si Liza.

Mag-iisang linggo na ako sa ospital na iyon. Madaming natuwa sa aking pagbabalik dahil isa daw ako sa magagaling na doctor ng bansa.

Binubusog ako palagi ng mga staff doon ng papuri.

Ngayon nga ay may operation ako na naka-schedule. Nasabi ko na iyon kay Johan ngunit may kailangan itong tingnan na site kaya hindi agad ito makakauwi ng maaga. Kaya kahit wala pa ito ay iiwan ko na muna si Jules kay manang.

May tiwala naman siya dito lalo pa’t ito ang palagi nilang kasama noon sa Malta. 

Naitawag ko na din naman sa aking mga magulang na walang kasama si Jules at si manang kaya baka maya-maya lamang siguro ay dumating din ang mga iyon.

Magtatagal kasi ang operation ng isang pasyente ko ngayon eh. Kaya nag-aalala ako para sa aking anak.

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon