Chapter 42

688 32 0
                                    

 

 

 

 

JOHAN’s POV

Ayoko sanang iwanan na lamang si Elle sa bahay ng ganoon. Awang-awa na ako sa asawa ko, hindi ko kayang makita siya na nagkakaganun.

Buti na lamang at mabilis ang mga pulis at NBI na tinawagan ko dahil nagawan agad nila ng paraan para ma-locate kung saan dinala ang anak namin. No words can say how much I am scared right now for my son.

My own flesh.

“Everything will be alright son!” sabi sakin ni daddy tinapik pa ako nito sa balikat ko.

Kami ang magkakasama sa iisang sasakyan. Ang kotse ni Gab ang dinala namin. Katabi ko si daddy na ama Elle at sa una naman si Papa. Sinusundan lamang namin ang sasakyan ng mga pulis.

Lahat kami ay mababakasan ng pag-aalala ang mga mukha. Sino ba naman ang hindi kung ang nag-iisang anak at apo mo ay nasa piligro ang buhay.

Nang makarating kami sa isang abandonadong lugar ay tahimik na nagsilabasan ang mga pulis. Mukhang lumang warehouse ang pinagdalhan na ito sa anak ko.

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon