Chapter 4

1K 45 0
                                    

GIESSELLE's POV

Kinabukasan ay maaga siyang nagising at naghanda para sa operasyon.

Nababaan niya sa sala ang kanyang mga magulang na naka upo na sa dining table. Magsasalita na sana siya ng biglang may magsalita sa likuran niya na ikinapalingon niya.

"Good morning po tito tita." Bati nito sa mga magulang niya

"Nandito ka pala Johan." Si mommy.

"Tamang-tama ang dating mo kakain pa lang kami ng breakfast. Halika at saluhan mo kami." Ang daddynaman niya ang nagyaya.

"Salamat po tito at tita. Nandito po ako para sunduin si Doctora." Nakangiting sabi nito.

"Oh ay sya kumain na muna kayo." Ang mommy ulit nya.

Hindi na ito nakatanggi pa at sinabayan na sila sa pagkain. Magana silang kumain at nagkwentuhan. Walang isa man sa kanilang dalawa ang nagbanggit sa mga magulang niya ng tungkol sa kasala na nais mangyari ng mama ni Johan.

"Tito Gary, Tita Anne uuna na po kami. Ihahatid ko na lang din po siya mamaya after the operation." sabi nito. Nabanggit na nila sa mga magulang niya ang tungkol sa operasyon ng ina nito.

Sabi naman ng mga magulang niya at titingnan ng mga ito kung makakadalaw mamaya sa ospital.

Nang nasa kotse na sila nito ay nanibago siya dahil ngayon na lang ulit siya nakasakay sa sasakyan nito at mukhang bago lamang ang car nito. Naamoy pa niya ang mabangong amoy ng sasakyan nito. Porsche na puti ang sasakyan nito.

"It looks new huh." sabi niya.

"Yeah. Kabibili ko lang nito last week before maospital si mom." Sabi nito.

"Wow big time ka na talaga ha. Yaman na natin eh."

"Hindi naman. I need to buy this para naman may masabi ako sa sarili ko. And you know ever since I love to collect cars."

Madami pa silang napagkwentuhan ang mga buhay buhay nila noon at noong mga panahong wala siya.

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon