A/N: i still dont feel good but i want to update na kaya eto na po. Hehehe. Pagpasensyahan nyo na po ang nakayanan ng kakaunti kong utak. Kay Johan na POV po muna. Pakinggan natin ang side nya.
JOHAN's POV
"Fuck what are you guys doing? Bakit bumaba ang sales natin?" inis na sigaw ko sa mga executives ng company namin.
"Sir sorry po. I'll explain everything sir. Bumaba ang sales natin dahil sa kakumpetensya natin. Madami na ding condominiums na nagsisitayuan sa lungsod. Mas madami po silang iniooffer na magagandang benefits at mas murang down payment." Paliwanag ng isa sa mga sales manager.
"Do something." Frustrated na sigaw ko pa din.
"Brod I think you need a break. Mukhang nai-stress ka na. Don't worry we will do something about this." Sabi ni Ran na kaibigan ko.
Tumango na lamang ako at dinismiss ang meeting na iyon. Dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang pasaway kong kapatid at ang problema ko sa aking mga magulang na hanggang ngayon ay pinipilit pa din akong hanapin ang asawa ko.
It's been what? Five years? I always reasoned out na siya ang umalis matuto syang
Iyon ang palagi kong sinasabi sa aking mga magulang. Ngunit hindi ko maialis sa isip ko ang mga posibilidad na baka hindi na ito bumalik. At sa loob ng limang taon ay hindi pa din ito nagbabalik o nagpaparamdam man lang.
Gustuhin ko man kainin ang mga sinabi ko sa mga magulang ko at hanapin na lamang ang asawa ko ay hindi ko magawa dahil sa sunud-sunod na problema. Isama pa ang pride ko.
Nandiyan pa si Kate at ang anak na si Kris. Na masyadong attach sa akin.
Yes Kate has a daughter and her name is Kris. Dahil nga on and off ang relationship namin ay nabuntis ito ng boyfriend nito na isang bokalista ng banda at ayaw itong panagutan. Noong una ay sabi nitong sa akin ang bata ngunit hindi naglaon ay umamin din ito sa akin na hindi daw talaga ako ang ama ng anak nya.
May sakit noon ang aking mama ng malaman kong may anak ito at ako daw ang ama. Pinipilit nya akong panagutan ko daw ang anak nya.
BINABASA MO ANG
She's Back (under major editing)
RomanceGiesselle is a cardiologist. Umalis at nagpakalayo, nagpakadalubhasa at pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ng sutil niyang puso para sa kanyang matalik na kaibigan. Akala nya magaling siyang doktor ng puso ngunit sariling puso niya ay hindi niy...
