GIESSELLE’s POV
“Jean anong nangyari?” tanong agad ni Johan ng makarating sila sa bahay.
“Kuya, ate I’m sorry hindi ko nagawang protektahan si Jules.” Umiiyak na sabi nito hingi nito ng paumanhin. Mababakas sa magandang mukha nito ang pagsisisi. Gulo-gulo ang buhok nito at tila ito nakipagrambulan.
Nadatnan namin ito at si manang na nagsisimulang maglinis ng bahay dahil mukhang ni ransack ang bahay namin. Sobrang gulo ng bahay.
Ang daming mga mwebles na nabasag at mga iba pang kasangkapan na nandoon. Gulo-gulo ang buong sala at ng magpunta kami sa kusina ay mas masahol pa sa dinaanan ng bagyo ang nangyari kung may mas sasahol pa nga doon.
“Okay lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?” tanung pa ni Johan ng makabalik kami sa sala kung saan nandoon ito at si yaya Manang.
“Okay lang kami Kuya pero si Jules. A-anong gagawin natin?” nanginginig sa takot na sabi pa ni Jean.
BINABASA MO ANG
She's Back (under major editing)
RomanceGiesselle is a cardiologist. Umalis at nagpakalayo, nagpakadalubhasa at pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ng sutil niyang puso para sa kanyang matalik na kaibigan. Akala nya magaling siyang doktor ng puso ngunit sariling puso niya ay hindi niy...
