JOHAN’s POV
Kanina ko pang pinagmamasdan ang aking mag-ina. Nakarating na kami sa bahay, tatlumpong minuto na ang nakalipas at ganoon ko na din katagal na tinititigan ang aking mag-ina.
I won’t exchange this scene for the world.
Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa magandang mukha ng aking asawa at sa gwapong kamukha kong anak. Carbon copy ko daw ang anak ko noong bata pa ako.
Lumabas na ako ng kotse ko at binuksan ang pinto ng aming bahay bago bumalik sa sasakyan at binuhat ang aking anak.
Dinala ko ito sa sariling silid nito at inilapag doon saka kinumutan. I kissed him on his forehead. Hindi man lang ito nagising ng binuhat ko ito. Marahil ay napagod.
Masyadong nag-enjoy si Jules paggala at paglalaro sa zoobic. Maging ako naman ay nag-enjoy din lalo na noong nagpapicture kami ng family picture.
Lalo akong napangiti ng maalala ko ang ginawa ni Elle sa akin. Napansin ko na tila nagseselos ito dahil sa babaeng pinakiusapan kong picturan kaming mag-anak. Nagpacute pa kasi ang babae sa akin.
Akala ko nga ay aawayin ni Elle ang babae ngunit nagkamali ako. Professional nga pala ang aking asawa kaya hindi ito gagawa ng ikakaeskandalo nito. Kahit nagseselos na ito ay hindi pa din nito papatulan. Ganoon ito kahit noon pa man.
At nagustuhan ko naman ang way nito para sabihing back off he’s mine. I can’t help it but I know I blushed when her lips touches my cheeks.
Binalikan ko si Gie at ganoon pa din ang posisyon nito nakahiga pa din. Binuhat ko na lamang din ito ng maingat.
Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan at nagtungo sa aming silid habang karga-karga ko si Elle. “Babe ang bigat mo pala.” Bulong ko ng maibaba ko na ito sa kama. “But it’s okay. I still love you kahit maging kasing bigat ka pa ni Dambo.” Nakangiting sabi ko pa dahlia lam kong tulog na tulog pa din ito.
BINABASA MO ANG
She's Back (under major editing)
Roman d'amourGiesselle is a cardiologist. Umalis at nagpakalayo, nagpakadalubhasa at pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ng sutil niyang puso para sa kanyang matalik na kaibigan. Akala nya magaling siyang doktor ng puso ngunit sariling puso niya ay hindi niy...