Chapter 20

825 39 0
                                    

 

GIESSELLE’s POV

“Jules.” Humahangos na tawag ko sa anak ko.

Kanina kasi ng tawagan ako ni mommy ay hindi ko ito maintindihan dahil umiiyak ito. Ang tanging naunawaan ko lamang ay ang pangalan ng anak ko. Kaya naman nagmadali agad ako sa pag-uwi kahit hindi pa tapos ang aming meeting with the owner of the place.

Good thing at nandoon si Gab at si Liza kaya madali akong nakapapaalam sa mga ito na may emergency sa bahay namin.

“Jules.” Nahintakutan ako ng matagpuan ito at kung sinong kasama nito habang nakaupo sa may veranda at tila naglalaro ng chess. Kahit nakatalikod ang lalaki ay alam na alam ko ang bulto ng katawan na iyon ay kay Johan.

Oo sinabi ko dati sa anak ko na mahilig maglaro ng chess ang daddy nito ngunit hindi ko alam na gagayahin pala nito kung ano man ang gusto ng ama nito.

“Mommy good thing you went home. I’m so bored and thanks to Tito Johan for playing chess with me.” Nakangiting salubong nito sa kanya.

Niyakap ko ito ng mahigpit at ganun din ang ginawa nito. I am really worried.

Nakita kong dahan-dahang lumingon sa gawi nila ang lalaki. Nang magtama ang kanilang mga mata ay hindi ko maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig nito. Tila nakakita ako ng pananabik at sigla sa muli naming pagkikita. Ngunit sandali lamang ay napalitan ng galit.

“Mom I want you to meet tito Johan.” Pakilala nito sa akin habang hila-hila ako sa kinaroroonan ni Johan. Hindi pa din naaalis ang tingin namin sa isa’t-isa hanggang makarating kami sa harap nito.

“A-Anak I-I know him already he is my…” napapikit ako ng mariin hindi ko malaman kung anong sunod na sasabihin.

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon