GIESSELLE's POV
Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Kung bakit ba naman kung kailan pasko ay saka nagdadatingan ang mga un-expected na bisita.
“Ate Gie. Ang ganda mo lalo ngayon. Hindi mo ba ako papapasukin?” Masiglang bati ng taong napagbuksan niya.
“Sinong dumating anak?” tanong ng mommy ko na sumunod pala sa akin. Hindi pa din ako nakakahuma mula sa pagkagulat.
Sumilip si Jean sa likod ko at nakita din niya ang gulat sa mukha ng aking ina ng malingunan niya ito.
“J-Jean, what? I mean how’d you knew this place? Paano mo kami nasundan dito sa Malta?” her mom ask dahil ito ang unang nakahuma sa kanila.
“Actually tita nakita ko po kayo sa airport kanina noong lumapag na kayo tatawagin ko sana kayo kaso nakita ko na kayong pasakay ng kotse kaya nagtaxi ako at pinasundan ko kayo. Naligaw pa nga po ako good thing na kabisado ko ang plate number ng kotse na sinakyan nyo at ng Makita kong nakaparada lang sa labas ng bahay na ito kaya nag try na akong mag door bell at hindi nga ako nagkamali.”
“I’m sorry anak hindi ko alam.” Baling ng mommy ko sa akin. I'm still shock.
Mukhang ito na ang aking kinatatakutan. Malapit ng malamang ng mga ito ang katotohanan. Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala ito sa loob ng bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/28342068-288-k629189.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Back (under major editing)
RomanceGiesselle is a cardiologist. Umalis at nagpakalayo, nagpakadalubhasa at pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ng sutil niyang puso para sa kanyang matalik na kaibigan. Akala nya magaling siyang doktor ng puso ngunit sariling puso niya ay hindi niy...