Chapter 19

743 37 1
                                        

JOHAN’s POV

Mahigit isang linggo na ang nakakalipas ng manggaling ako sa bahay ng mga magulang ko at naki new year eve sa mga ito.

Nakaramdam ako ng lungkot ng makita ko kung gaano kasaya ang mga magulang ko kahit dadalwa lamang ang mga ito ang mahalaga ay magkasama sila at nagmamahalan.

Naalala ko bigla si Gie. Sa loob ng limang taon wala akong hinangad kundi ang magbalik sya. Naalala pa kaya nya ako o naisip man lang. Emptiness is killing me every time that I’m thinking about her.

Noong mga bata pa kami ay malimit sa aming bahay o kaya ay kina Gie sila naghahanda tuwing pasko at bagong taon. Ganoon kami kalapit sa isa’t-isa.

“Sir tumawag po ang Mama nyo para sabihing dumating na daw po ang kapatid nyo sa bahay nyo at inaanyayahan kayong doon maghapunan.” Sabi ng kapapasok pa lamang na sekretarya ko sa aking opisina. Naalala kong naiwan ko nga pala ang aking cellphone sa bahay ko kaya hindi siguro ako ma-contact ng mga ito.

“Okay thank you.” Walang kabuhay-buhay na sabi ko. “Iyon lang ba?”

“Opo sir.” Nahihiyang sabi nito at lumabas na ng aking opisina.

Napapikit ako at napahawak ng madiin sa aking nakapikit na mata. Tila maaalis noon ang pananakit ng ulo ko. Nalasing na naman ako kagabi dahil naalala ko na naman niya si Gie.

Napabuga ako sa hangin at tumayo. Naisipan kong daanan ang aking mga biyenan.

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon