GIESSELLE's POV
“Mom, dad?” gulat na tanong niya sa mga ito ng mabungaran ang seryosong mukha ng mga magulang niya habang nakaupo sa sofa ng marangyang bahay nila.
“May kailangan kang ipaliwanag sa amin.” Seryoso pa ding sabi ng daddy niya.
“I don’t get it. About what?” naguguluhan niyang tanung.
“About you getting married after a month.” Ang mommy naman niya.
Napanganga naman siya sa sinabi ng mga ito. Hindi niya alam kung paanong sisimulan. Sino kaya ang nagsabi sa mga magulang niya at pinangunahan pa siya. Imposible namang si Johan dahil magkasama silang dalawa.
“Mom, ano bang sinasabi ninyo.”
“Wow anak ayos ba ang acting namin ng daddy mo?” nakangiting sabi na ng mommy niya.
Napahinga naman siya ng malalim at napahawak sa kanyang dibdib. Acting lang pala. Ang gulo talaga ng mommy niya kahit kalian.
“Mom it’s not good. Akala ko talaga galit na kayong dalawa sa akin pinakaba nyo pa ako. Ako ata ang magkakasakit sa puso ng dahil sa sinabi ninyo eh.”
“But seriously anak kailan ang kasal nyo?” mom again.
“Saan nyo po ba narinig na ikakasal ako?”
“Sa future balae ko.”
“Si tita Au nagising na?” tanong niya.
Tumango ang mom niya at ang dad naman niya ang nagpaliwanag.
“She called a few minutes ago before you arrive. She keeps on talking about marriage.” Dad said.
“Yeah! And I am so happy na sa wakas kayo din palang dalawa ang magkakatuluyan. I am so happy.” Si mommy ulit. Parang teenager na kinikilig ito.
BINABASA MO ANG
She's Back (under major editing)
RomanceGiesselle is a cardiologist. Umalis at nagpakalayo, nagpakadalubhasa at pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ng sutil niyang puso para sa kanyang matalik na kaibigan. Akala nya magaling siyang doktor ng puso ngunit sariling puso niya ay hindi niy...
