Chapter 21

809 35 0
                                    

GIESSELLE’s POV

Hindi ko alam kung paano ako napahinuhod ni Johan basta ang alam ko lang ng mga sandaling iyon ay napipilitan akong sumunod dito para sa anak namin. Para hindi nito agawin ang anak ko.












Wala kaming imikan habang nasa loob kami ng sasakyan nito. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa mommy ko na umalis kami ni Jules kasama si Johan. Itinext ko na lamang ito at sinabi ni mommy na mag-iingat na lang daw kami. 











Si Jules naman ay nakatulog na sa backseat at napagod siguro ito kanina kalalaro











Nang makarating kami sa bahay ng mga ito ay dali-dali itong bumaba ng sasakyan. Akala ko pa nga ay ipagbubukas pa ako nito ng pinto ngunit lumampas ito sa aking side at nagtungo sa pinto sa back seat upang kunin si Johan. Napahiya ako sa sarili. Kiming binuksan ko na lamang ang aking pintuan at lumabas.










Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. It’s still the same, nothing’s change.

Nanatiling tulog pa din ang anak namin kahit nabuhat na ito ng daddy nito.







Gusto kong maiyak sa tagpong iyon. Kay tagal kong pinangarap na makita si Johan na buhat buhat ng ganoon ang anak. It’s like a dream come true.

I never thought na mangyayari ang ganito. Na makikita ang aking anak na karga-karga ng ama nito. Buong akala ko ay hindi na ito mangyayari.

Pinunasan ko muna ang luhang hindi ko napigilang maglandas sa aking pisngi bago sundan ang mag-ama ko papasok ng bahay ng mga ito.

Nahihiya man at hindi ko malaman kung anong mukhang ihaharap sa aking mga biyenan ay naglakas ng loob pa din akong harapin ang mga ito. I inhaled and exhaled before I totally get in.

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon