GIESSELLE's POV
After the incident sa Space Needle ay naging extra sweet sa kanya si Johan. Sinasamahan siya palagi nito sa hospital nakatambay lang ito sa cafeteria o kaya ay sa kanyang clinic.
Tulad na lamang ngayon. Kinukulit na naman siya nito. It’s been three days. At sa tatlong araw na iyon ay masasabi niyang isa sa pinakamasayang araw sa buhay niya.
Nakilala na din ito ni Liza. Kinulit pa nga siya nito kung pwede daw agawin ang fiancé niya. Ampogi daw.
Natawa na lamang siya dito. Kaya daw pala hindi na niya nagawang tumingin sa ibang lalaki dahil sa ang bestfriend and soon to be husband niya ay sobrang busog na siya sa sobrang ka gwapuhan.
“Hanggang kailan ka pa ba dito?” pangungulit na naman nito.
“Patience Dree. One week na lang okay. Nakapagpasa na ako ng resignation letter ko and effectively today.” Nakangiting sabi niya habang isa-isang inaayos ang mga gamit niya.
Kailangan pa kasi niyang i-endorse ng maigi ang kanyang mga pasyente.
“Ang tagal naman noon masyado.” Inip na sabi nito. “Bakit hindi na lang tayo umalis ngayon o kaya bukas and besides I can give you a lot of clinics like this. Kahit ilan pa gusto mo.”
“Ikaw talaga. Oo na ikaw na ang mayaman. Madami pa akong kailangang asikasuhin ano. Kung gusto mo nga kasi umuna ka na lang.” lumapit siya dito na nakaupo sa sofa na nandoon sa kanyang clinic. Tinabihan niya ito at sumandig sa balikat nito.
Katatapos lang niya sa kanyang huling pasyente kaya silang dalawa na lamang ang nandoon at ang secretary naman niya ay inutusan na niyang magmeryenda.
Inakbayan siya nito. “Alam mo naman na hindi ako pwedeng umuwi ng hindi ka kasama.” Sabi nito at hinalikan pa siya sa kanyang pisngi.
“Alam mo tsansing na iyan.” Aniya at inalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.
Bigla naman siyang hinalikan nito sa labi ng mariin ngunit madali lamang. Nahampas niya ito sa braso at itinulak palayo ngunit nahawakan nito ang bewang niya.
BINABASA MO ANG
She's Back (under major editing)
RomanceGiesselle is a cardiologist. Umalis at nagpakalayo, nagpakadalubhasa at pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ng sutil niyang puso para sa kanyang matalik na kaibigan. Akala nya magaling siyang doktor ng puso ngunit sariling puso niya ay hindi niy...
