Chapter 3

1.1K 48 0
                                        

Doon siya na alarma. Bigla ang naging pagtayo niya at tinakbo ang telepono at tinawagan ang nurse station.

The next thing they knew pandalasan na ang mga nurses at doctor ng pagpasok sa silid nito at pinapalabas ng silid sina Johan.

Siya naman ay naiwan dahil tinulungan niya ang doctor. Hindi kaya ng konsensya niya na hindi tumulong sa mga ito.

Kung anu-ano ang ginawa nila sa pasyente at ginamitan din nila ng defibrillation ito. Siya ang naglalagay ng jelly sa aparato. Mabilis ang kanilang mga pagkilos hanggang sa nag normal na ang status ng aparato na naka dikit sa katawan ng ginang.

“Thanks for the help doctor De Silva. You really are a good doctor.” Nakangiting sabi ni doctor Maderaso.

Doon siya parang tila nakabalik sa huwisyo niya at hindi niya napansin na pinipigilan pala niya ang kanyang pag hinga. Bigla naman siyang huminga ng malalim.

“Ang lalim naman noon.”

“Wala yon doc. Ikaw talaga dami mong napapansin. She's like a mother to me and I can’t afford to loose her.” Nakangiting sabi niya.

“Nakapag desisyon na ba ang pamilya nila kung kelan magpapaopera?” Tanong pa nito ng makalabas na sila ng silid.

Sasagot pa lang sana siya ng may magsalita sa harap nila.

“Yeah and we want it right away.” Seryosong sabi ni Johan.

“Kung ganoon ay ipapahanda ko na ang operating room at ang pasyente.” Tugon nito.

“I wanna be your assistant doctor Maderaso.” Prisinta niya.

“Of course doc.” Nakangiting sabi nito at nagpaalam na sa kanila. Dadalhin na lang daw sa silid ng pasyente ang mga kakailanganing papeles.

“Can I have seconds to talk to you?” Tanong nito sa akin.

Marahan akong tumango at sumunod dito.

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon