Chapter 12

792 38 4
                                    

GIESSELLE's POV

Akala niya ay madami ng bisita ang nakita niya sa simbahan. Ngunit ng dumating sila sa reception ay mas lalong dumami.

Hindi niya alam na ganoon na pala kadaming tao ang naimbitahan ng kanyang mga magulang at biyenan. Theye only have less than a month to prepare. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

Sigurado siyang halos lahat sa mga ito ay puro may kaugnayan sa negosyo ng mga ito.

Nag-eestima siya sa mga bisita ng mga oras na iyon ng may lumapit sa akin.

"Congratulations. Natupad na din ang pangarap mo." nakangiting sabi ni Jill.

Niyakap niya ito at tuwang-tuwang tumango. 

"Sobrang saya ko ngayon Jill." nakangiting sabi niya.

"Friend wag kang masyadong magpapakasaya dahil hindi mo alam baka may mga bwitreng nakaabang diyan sa tabi  tabi para agawin ang masarap na pagkaing nakahain sa iyo." makahulugang sabi nito sa kanya.

Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba ng dahil sa sinabi nito. Tila ay parang nabuhusan siya ng malamig na tubig at nagising sa isang napakagandang panaginip.

Hindi na nga niya naiisip kanina ang mga bagay na iyon dahil ayaw niyang masira ang kanyang araw. Ngunit kailangan pa din pala niyang harapin ang bagay na iyon na kanyang iniiwasan.

"I know this is not the right time to tell it to you. But I just saw your husband outside and he's talking to that bitch named Kate." sabi pa nito na siyang lalong ikinabigla niya.

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon