GIESSELLE's POV
Gulantang talaga siya sa taong nadatnan niya sa nurse’s station nila. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Parang kagabi lamang ay kausap niya ito.
“Hi.” Nakangiting sabi nito na kumakamut-kamot pa sa ulo na tila Makati. May dandruff na ba ito ngayon?
“What are you doing here? I was just chatting with Jean a while ago and she didn’t tell me that you’re coming.” Naguguluhang sabi niya. He just smile and nod at her.
Sinabi niya sa isa sa mga nurses doon na uuwi na siya at tawagan na lamang siya kung may problema.
Hinila na niya ito paalis sa nurse station dahil mukhang ito talaga ang pinagkakaguluhan ng mga nurses doon. Nakasalubong pa nila sina Liza at Lex na tila may nagtatanong na tingin.
Nang makarating sila sa labas ng hospital ay niyaya niya ito sa loob ng car niya dahil malamig sa labas. Winter na kasi at malapit ng magpasko. Binuhay muna niya ang makina at heater ng sasakyan niya. Bago nagsimulang mag-drive.
“Now speak up.” Sabi niya.
“Okay. I came here just to let you know I am so irritated to my mom. Palagi nyang sinasabi na sunduin na kita para daw matuloy na ang kasal. Heck kung alam mo lang kung gaano kahirap kausapin si mama. Nakakairita.” Sabi nito.
Medyo na disappoint siya dahil hindi iyon ang mga salitang gusto niyang marinig mula dito. You are so stupid Gie to think na sasabihin niyang namimiss ka na niya at mahal na mahal ka niyia at hindi ka niya kayang mawala. That’s so stupid of you. Sa mga telenovela lang nangyayari ang mga ganoong bagay kaya wag ka ng mag-isip ng ganan. There’s no forever and there’s no happy ending that’s only in the fairytale. Kastigo niya sa sarili niya.
Hindi agad siya nakapagsalita. “So t-that’s all because of the wedding?” medyo pumiyok na sabi niya.
“Yeah, and so.” Tila bored na sabi nito.
Gusto sana niya itong yakapin dahil sobrang na-miss niya ito. Sobra niyang kinasabikan ang sandaling sunduin siya nito at yayaing umuwi na sa pinas at sabihing mahal siya nito.
BINABASA MO ANG
She's Back (under major editing)
RomanceGiesselle is a cardiologist. Umalis at nagpakalayo, nagpakadalubhasa at pilit na kinakalimutan ang nararamdaman ng sutil niyang puso para sa kanyang matalik na kaibigan. Akala nya magaling siyang doktor ng puso ngunit sariling puso niya ay hindi niy...
