Chapter 2

1.2K 52 0
                                        






Pagkarating niya doon ay pinagtitinginan ng mga tao ang kanyang sasakyan. Mukhang luma na kasi talaga ito.

Vintage car kasi ang gamit niya.

Nabili niya iyon dati sa Japan ng minsang umattend siya ng seminar para sa mga cardiologist. Hindi na nawala sa isip niya ang sasakyang iyon kaya naman kahit may kamahalan ay binili niya.

Maganda pa ang makina at takbo ng kanyang vintage car dahil gawang japan. Kaya naman sulit na sulit ang ibinayad niya.

Hindi na niya pinansin ang mga nag uusyosong tao doon. Dali-dali siyang nagtungo sa lobby ng hospital at tinanong ang room ng pasyenteng hinahanap.

Nagpunta agad siya sa room na sinasabi ng mga ito. At bago pa siya makapasok ay may biglang tumawag sa kanya na nakapagpalingon sa kanya.

"Ow my gosh. How are you? Long time no see ha doctor Maderaso." Bulalas niya ng makita ang doctor na kaharap.

"Yeah. Its been what?" Nakangiting sabi nito na tila nag iisip kung ilan taon na nga ba. "Three years or more. You look prettier." Bola pa nito.

"Yeah its been three years at hindi ka pa din nagbabago. Bolero ka pa din." Nakangiting sabi niya.

"So how are you?" Tanong pa nito. "Are you back for good?"

"I'm good doc still the same. Just a vacation. My mom got sick so I have to go back. Hindi ako mapapalagay doon ng hindi ko man lang nakikita ang mom ko. Kaya I decided to go back home for a while."

Tumangu-tango ito at maya maya ay inimbitahan siyang magkape ngunit mataman niyang tinanggihan. Dahil hindi iyon ang pakay niya sa pagpunta sa ospital. Some other time maybe.

"By the way I'm her attending physician." Sabi nito at iyon na nga itinanong niya ang iba pang detalye hinggil sa kalagayan ng pasyente.

Kailangan na nga nitong maoperahan sa lalong madaling panahon. Nasabi niyang nais niyang tumulong sa operasyon na sinangayunan nito.

Matapos ang pakikipag usap sa kalagayan ng kanyang tita Aurea ay nagpaalam na siya dito at nanginginig ang kamay na kumatok siya sa pintuan ng silid.

"Come in." Narinig niyang sabi ng tinig ng isang babae.

Napahinga naman siya ng malalim. Iniisip niyang wala sa loob ang matalik na kaibigan dati. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. At tumambad sa harap niya ang taong kanina lamang ay kinatatakutan niyang harapin.

Tila nagkagulatan silang pareho at nagkatitigan ng matagal. Nakabalik lang siya sa kanyang diwa ng marinig na may tumikhim. Ang nakababata nitong kapatid na si Jean na siya sigurong nagsalita knina ng kumatok siya.

"Ate I'm glad your back." Masayang bati nito at dinanggil ang nakaharang na kapatid upang siya ay mayakap.

Sobrang close din sila ng dalagita. Niyakap din niya ito ng kasing higpit ng yakap sa kanya.

"Yeah. I'm back." Tanging nasabi niya at napatingin sa lalaking nasa loob din ng silid na iyon.

Hindi niya malaman kung ngingitian niya ang lalaki o ano o yayakapin. Parang ang awkward sa pagitan nilang dalawa.

Dahil umalis siya noon ng walang sabi-sabi at ngayon nga ay ito siya sa harap ng mga ito na tila walang nangyari. Alam niya may tampo din ito sa kanya at gayon din naman siya. Ngunit hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang mga bagay ng iyon.

"Kumusta best?" Tila nahihiyang tanong nito sa kanya. Nakaupo na sila noon sa sofa na nandoon sa silid ng mama nito. Nahihiya man ay tumayo siya at niyakap ito.

She's Back (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon